Day 119 & 120

42 4 0
                                    

Day 119

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Walang sinuman sa atin ang nabubuhay o namamatay para sa kanyang sarili lamang. Kung tayo'y nabubuhay, sa Panginoon tayo nabubuhay; at kung tayo'y namamatay, sa Panginoon tayo namamatay. Kaya nga, sa mabuhay o sa mamatay, tayo'y sa Panginoon. 

Mga Taga-Roma 14:7‭-‬8 MBB05




English:

7 For none of us lives for ourselves alone, and none of us dies for ourselves alone. 8 If we

live, we live for the Lord; and if we die, we die for the Lord. So, whether we live or die, we

belong to the Lord.

Romans 14:7-8 NIV




*******

Kung ang inaakala natin ay kaya nating mabuhay ng para sa sarili lamang natin, dinadaya natin ang ating mga sarili. Aminin man natin o hindi ay hindi natin kayang mabuhay ng mag-isa, kahit pa gaano katapang at katatag ang isang tao.

Lahat tayo ay may kakayahang mamili, maaaring hindi tayo parepareho ng pag-uugali ngunit ang kalooban pa rin ng Diyos ang Siyang masusunod. Sapagkat ang ating mga sarili at maging ang ating buhay ay hindi natin pag-aari, ito ay sa ating Panginoon.

Maging ang kamatayan ay hindi rin natin hawak, hindi natin pwedeng sabihin kung kailan at saan natin gustong mamatay. Ang lahat ay sa kalooban ng ating Panginoon.

#GodBlessUs😇❤

#day119 ❤

#toGodbetheglory

#keepUsSafe


===================================


Day 120

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Bilang pagtatapos, mga kapatid, dapat maging laman ng inyong isip ang mga bagay na karapat-dapat at kapuri-puri: mga bagay na totoo, marangal, matuwid, malinis, kaibig-ibig, at kagalang-galang. 

Mga Taga-Filipos 4:8 MBB05




English:

Finally, brothers and sisters, 

whatever is true, whatever is noble, 

whatever is right, 

whatever is pure,

 whatever is lovely,

 whatever is admirable

—if anything is excellent or praiseworthy

—think about such things.

Philippians 4:8 NIV




******

Ito ang ninanais ng ating Panginoong Diyos na ating gawin at isapamuhay. Kaya't ating isaisip at isapuso ang mga mga bagay na ito sapagkat nalalaman ng Diyos kung atin itong isinasaisip at isinasagawa. Ito ay isang utos na ninanais ng Diyos na ating sundin.

Ito ay mga alituntunin na alinsunod ayon sa kalooban ng ating Panginoon. Tayong mga nagniniwala sa ating Panginoon ay tinawag upang magtiwala at maglingkod sa Kanya.

Ang isang halimbawa sa atin ay pananampalataya ni apostol Paul siya ay masipag at tapat na nagdarasal ibinibigay Niya sa Panginoon ang dapat ay para sa ating Panginoon at mapaglingkuran Niya ng ayon sa kalooban ng ating Panginoong Diyos.

#GodBlessUs😇❤

#day120 ❤

#toGodbetheglory

#keepUsSafe

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now