Day 75 & 76

54 3 1
                                    

Day 75

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Huwag kayong magpadaig sa masama, kundi daigin ninyo ng mabuti ang masama.

Mga Taga-Roma 12:21 MBB05




English:

Do not be overcome by evil, but overcome evil with good.

Romans 12:21 NIV



*****

Laganap ang mga kasamaan ngayon sa mundo. Iba't-ibang uri ng kasalan na naghihimok sa atin upang tayo ay magkasala. Alam na natin ang mga tama sa mali kaya't dapat ay alam na natin kung paano ito iwasan. Ngunit tayong mga tao, ay mahilig sumubok sa mga makamundong gawain.

Maaaring sugal o bisyo at marami pang iba na magtutulak sa atin sa kasamaan. Ngunit kaya naman natin itong mapaglabanan kung ating gugustuhin at pagsisikapin na maiwasan ang mga ito. Sapagkat puro kapahamakan ang dulot ng kasamaan ng sandaigdigan. Walang patid na problema at walang kapayapaan ang dulot ng kasamaan.

Kaya't atin nawang sikapin ang umiwas at lumayo sa mga kasamaan na dulot ng sanlibutan. Humingi tayo ng tulong sa ating Panginoon at gabay mula sa Kanyang banal na espiritu, ng sagayon ay ating mapaglabanan ang lahat ng mga kasamaan sa mundo. Upang mas madaig natin ang kasamaan.

#GodBlessUs😇❤

#day75 ❤

#toGodbetheglory

#keepUsSafe

===============================

Day 76

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Ang masama'y iwasan na, at ang gawin ay ang tama; at ang laging pagsikapan ay buhay na mapayapa. 

1 Pedro 3:11 MBB05



English:

They must turn from evil and do good;

they must seek peace and pursue it.

1 Peter 3:11 NIV




******

Patuloy tayong mamumuhay ayon sa tama at kabutihan. Pagsikapan natin na makapamuhay ng mapayapa, walang inaagrabyado o tinatatapakan na tao. Ang kabutihan ang siya nawang manaig sa ating puso upang ang ating pamumuhay ay magkaroon ng kapayapaan.

Gulo ang dulot ng paggawa ng kasamaan sa kapwa, wala itong kapayapaan at lubos na pagkabalisa ang sasa kanya. Ang kaparusahan ang hatol ng ating Panginoon sa paggawa ng masama ngunit pagpapala at biyaya ang kaloob naman Niya sa mga taong mabuti ang ginagawa.

#GodBlessUs😇❤

#day76 ❤

#toGodbetheglory

#keepUsSafe

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now