Day 277 & 278

31 1 0
                                    

Day 277

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Ngunit akong pinakamasama ay kinahabagan, upang ipakita ni Cristo Jesus ang kanyang di-masukat na pag-ibig sa akin, at upang ito'y maging halimbawa sa mga sasampalataya at bibigyan ng buhay na walang hanggan. 

1 Timoteo 1:16 MBB05



English:

But for that very reason I was shown mercy so that in me, the worst of sinners, Christ Jesus might display his immense patience as an example for those who would believe in him and receive eternal life.

1 Timothy 1:16 NIV




************

Lahat ng tao ay may pag-asang magbago kahit pa nga tayo ang pinakamasamang tao sa buong mundo. Kung ating kikilalanin at tatanggpin ang Panginoong Hesus bilang tagapaligtas at makapangyarihan sa lahat sapagkat tanging Siya lamang ang may kakayahang magpatawad ng lubusan.

Ang pag-ibig ng Diyos sa atin ay tunay at wagas tanging Siya lamang ang bukod tanging nagmamahal at tumanggap sa atin ng lubusan. Kahit pa nga hindi tayo karapat-dapat sa pag-ibig at pagpapatawad Niya, buong puso pa rin Niya tayong tinatanggap at niyayakap ng buong higpit.

Kaya't ating isuko ang ating buhay sa ating Panginoong Hesus at buong pusong manangan sa Kanya. Ating talikdan ang ating nga likong pamumuhay at papasukin si Cristo Hesus sa ating puso. Tanggapin Siya bilang isang Diyos na tagapagligtas upang magkaroon tayo ng buhay na walang hanggan.

Maging halimbawa ito sa atin na ang Diyos ay mahabagin at mapagpatawad sa lahat. Ipinapakita at ipinauunawa sa atin ng Diyos na ang lahat ay maaring magbago at lahat ay maaring patawarin ng Diyos kung tayo ay buong pusong isusuko ang ating sarili sa ating Panginoong Hesus.

Lilinisin Niya tayo sa lahat ng ating mga karumihan at babaguhin ng lubusan. Ang dati nating pagkatao ay wala na at tayo ay malinis na sa harap ng ating Panginoon. Pagkatiwalaan at panaligan natin Siya at buong pusong isuko ang ating mga sarili sa Kanya at mamuhay ng matiwasay.

#GodBlessUs😇❤

#day277 ❤

#toGodbetheglory

#keepussafealways


=====================================


Day 278

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Ganito ang dapat ninyong gawin: Katotohanan lamang ang sasabihin ninyo sa isa't isa, paiiralin ninyo ang katarungan at pananatilihin ang kapayapaan.

Zacarias 8:16 MBB05




English:

These are the things you are to do: Speak the truth to each other, and render true and sound judgment in your courts;

Zechariah 8:16



**********

Masarap mabuhay ng nasa katotohanan. Mas iniisip ang kapayapaan at katarungan sa buhay. Kaya't kung ang paiiralin lamang nating mga tao ang mamuhay ng naayon sa katotohanan at pairalin ang katarungan gayundin ang pagpapanatili ng kapayapaan marahil ang mundo ay magkakaroon ng maayos na pamumuhay dito sa lupa.

Kung magkakaroon na patas na pagbibigay ng katarungan, walang mahirap o mayaman, magiging matiwasay ang buhay ng bawat isa. Kung maghari ang katotohan sa mundo, marahil ay walang kapahamakan o parusa ang mapapataw sa ating mga tao.

Kaya't pagsikapan nawa ng bawat isa na mamuhay ayon sa katotohanan at maging patas sa paghatol ng katarungan. Pairalin ang kapayapaan at mamuhay ng matiwasay kasama ang ating Panginoon. Patuloy nawa nating sundin ang kanyang kalooban.

#GodBlessUs😇❤

#day278 ❤

#toGodbetheglory

#keepussafealways

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now