Day 37 & 38

69 5 0
                                    

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:


Mga minamahal, dahil ganoon kadakila ang pag-ibig ng Diyos sa atin, dapat din tayong magmahalan. Kailanma'y wala pang taong nakakita sa Diyos, ngunit kung tayo'y nag-iibigan, nasa atin ang Diyos at nagiging ganap sa atin ang kanyang pag-ibig.

1 Juan 4:11‭-‬12 MBB05



English:

11 Dear friends, since God so loved us, we also ought to love one another. 12 No one has ever seen God; but if we love one another, God lives in us and his love is made complete in us.

1 John 4:11-12 NIV




******


Isang paalaala sa atin na marapat lamang na tayo ay magmahalan sapagkat ang pag-ibig ng Diyos ay dakila at tapat. Ninanais Niya na ang bawat isa na Kanyang nilalang ay may pag-ibig, hindi lamang sa kanyang sarili kundi maging sa kanyang kapwa.

Magiging ganap sa atin ang Pag-ibig ng Diyos kung makikita sa atin ang pagmamahalan. Bagama't hindi natin nakikita ang Diyos ngunit napadarama naman Niya sa atin ang Kanyang dakilang pagmamahal sa bawat isa sa atin.

#GodBlessUs

#day37

#ToGodBeTheGlory

#KeepUsSafe


============================================


Day 38

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Pupurihin kita Yahweh, nang buong puso ko, mga kahanga-hangang ginawa mo'y ipahahayag ko.

 Mga Awit 9:1 MBB05 



English:

I will give thanks to you, Lord, with all my heart;
I will tell of all your wonderful deeds.

Psalms 9:1 NIV


 ******* 


 Buong puso nating pasalamatan, purihin at dakilain ang ating Panginoong Diyos. Sapagkat mga ginawa Niya sa buhay natin ay tunay ngang kahanga hanga. Marapat lamang na ating maihayag ang lahat ng kabutihan Niya at maibahagi ang Kanyang mga pagpapala sa atin upang maibahagi din natin sa iba. #GodBlessUs😇❤ #day38 #toGodbetheglory #keepUsSafe

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now