Day 157 & 158

35 1 0
                                    

Day 157

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Ang sumusunod sa payo ay mananagana, at mapalad ang taong kay Yahweh ay nagtitiwala. 

Mga Kawikaan 16:20 MBB05




English:

Whoever gives heed to instruction prospers,

and blessed is the one who trusts in the Lord.

Proverbs 16:20 NIV


*******

Ang taong marunong sumunod sa mga payo ng mabuti ay mananagana at yayabong ang kaunawaan. Lalo't higit kung payo at aral ng ating Panginoon ang Kanyang susundin. Sapagkat ang mga turo at aral ng Diyos ay tungo sa ating mga ikabubuti at ikatatagumpay sa buhay. Mapapalad ang mga nagtitiwala sa ating Diyos na buhay at makapangyarihan sa lahat sapagkat kanilang makakamtan ang pagpapala at pag-iingat ng Diyos sa kanilang buhay. Hindi hahayaan ng Diyos na tayo ay maligaw o mapahamak man.

Gabay at sanggalang natin ang Kanyang mayayamang salita upang makamtan natin ang katagumpayan ng buhay dito sa mundong ito. Lalong magbubunga ng kasagahanan ang taong marunong sumunod sa payo sapagkat nalalaman Niyang higit na nalalaman ng Diyos ang mga nakabubuti at nakasasama para sa atin.

#GodBlessUs😇❤

#day157 ❤

#toGodbetheglory

#keepUsSafe


==================================


Day 158

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Ang taong matuwid, may suliranin man, sa tulong ni Yahweh, agad maiibsan. Kukupkupin siya nang lubus-lubusan, kahit isang buto'y hindi mababali. 

Mga Awit 34:19‭-‬20 MBB05




English:

19 The righteous person may have many troubles,

but the Lord delivers him from them all;

20 he protects all his bones,

not one of them will be broken.

Psalm 34:19-20 NIV




*******

Ang Diyos kahit kailanman ay hindi nagpapabaya, lalo't higit sa mga taong matutuwid. Makakaasang dumating man ang mga problema at suliranin sa kanyang buhay, makakaasang ang tulong at gabay ng Diyos ay sasa Kanya. kaya't ang pagiging matuwid na tao ang Siyang lubos na kinalulugdan ng ating Panginoon. 

Ang paggabay at pag-iingat ng ating Panginoon ay ating masusumpungan. Hindi Niya hahayaang mapahamak o masadlak sa dusa ang taong matutuwid. Ang ating Panginoon ang Siyang matibay na kanlungan na magkukubli upang ang kaligtasan ay ganap na makamtan. Kaya't sa ating Panginoong Diyos lamang tayo magtiwala ng lubusan, ating ipagkatiwala ang lahat sa ating buhay.

#GodBlessUs😇❤

#day158 ❤

#toGodbetheglory

#keepUsSafe

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now