Day 255 & 256

34 2 0
                                    

Day 255

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Ang gahaman sa salapi ay walang kasiyahan at ang sakim sa kayamanan ay hindi masisiyahan sa kaunting pakinabang. Ngunit ito man ay walang kabuluhan. 

Ang Mangangaral 5:10 MBB05 




English:

Whoever loves money never has enough;
whoever loves wealth is never satisfied with their income.

This too is meaningless.

Ecclesiastes 5:10 NIV



 ******* 

Hipokrita tayo kung sasabihin natin na hindi natin kailangan ang pera upang makapamuhay dito sa lupa. Subalit hindi natin kailangang sambahin ang pera at maghangad ng labis para dito. Ang pera ay kailangan upang may magamit tayo sa ating pang-araw-araw na pamumuhay ngunit ang pagkasilaw dito ay nagdudulot ng kapahamakan. 

Ang taong gahaman sa salapi magkaroon man ng marami ay hindi makukuntento bagkus mas hahangarin pa ang higit na marami. Hindi nito kakayanin ang makapamuhay ng walang pera kaya't ang pagkilala sa kabutihan ay matatakpan ng kasamaan. Walang nakapaglilingkod sa dalawang Panginoon:

"Walang aliping maaaring maglingkod ng sabay sa dalawang panginoon sapagkat kamumuhian niya ang isa at iibigin ang ikalawa, paglilingkuran nang tapat ang isa at hahamakin ang ikalawa. Hindi kayo maaaring maglingkod ng sabay sa Diyos at sa kayamanan." - Lucas 16:13

Naiisip ng tao na sa pamamagitan ng salapi ay makilala ng lahat gayundin ay makakamit ang katanyagan at respeto na makuha ng sinumang meron nito. Subalit tayo ay lubos na nagkakamali sapagkat ang lahat ng mga ito ay walang kabuluhan. Anumang labis ay masama kaya't masiyahan tayo sa mga kaloob ng Diyos sa atin. Mamuhay tayo ng marangal sapagkat ang pera ay isang palamuti lamang sa ating mga tao.

Ang lahat ng mga ito ay walang kabuluhan sa ating Panginoon. Hindi natin madadala sa kabilang buhay ang lahat ng bagay dito sa mundo. Kaya't maging gabay natin nawa ng Diyos sa ating buhay at Siya ang paglingkuran nating lubos. Sapagkat Siya ang magkakaloob ng lahat ng ating mga pangangailangan. Higit pa sa ating mga inaasahan, kaya't patuloy tayong magtapat at maglingkod sa Kanya at kahit kailanman ay hindi tayo pababayaan ng Diyos.

#GodBlessUs😇❤

#day255 ❤

#toGodbetheglory

#keepussafealways


========================================


Day 256

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Huwag na kayong humatol batay sa nakikita, kundi humatol kayo ayon sa nararapat."

Juan 7:24 MBB05




English:

Stop judging by mere appearances, but instead judge correctly."

John 7:24 NIV




**********

Isa sa mahirap na gawin ng mga tao ang paghatol ng patas. Kung ano ang nakikita sa panlabas na anyo ng tao ay ito na ang nagiging batayan sa kung ano ang ugali at pagkatao ng isang tao. Mabilis nating husgahan ang kung ano ang nakikita natin sa kanyang panlabas ngunit ang kanyang buong puso't pagkatao ay hindi natin nakikita o lubos na nakikilala.

Kung ang nakikita sa panlabas na anyo ay maganda, mayaman, makisig at maraming palamuti sa katawan ay nakukuha natin ang mataas na paghanga at pagkilala. Kung ang lahat naman ay kabaliktaran ng mga ito, panlalait at pang-aalipusta naman ang natatamo nito. Mabilis din tayong humusga sa gawa ng tao. Hindi muna natin inaalam ang totoong katotohan sa likod ng kanyang mga gawa.

Halimbawa ang taong palasimba sa hindi palasimba. Inaakala ng karamihan na lahat ng palasimba ay siya lamang na maliligtas at ang mga taong hindi palasimba ang hindi maliligtas. Kung ganito ang batayan natin sa buhay tayo ay lubos na nagkakamali at nagkakasala sapagkat hindi natin alam ang mga kadahilan ng hindi nila pagsimba.

Ang Diyos lamang ang Siyang nakakasiyasat ng nilalaman ng ating puso. Ang relasyon natin sa ating Panginoon ang Siyang makakapagligtas sa atin hindi ang sasabihin o panghuhusga ng kapwa. Kung nakikita natin na nagkakamali ang ating kapwa paalalahanan natin sila gaya ng ng sabi: 

Magpaalalahanan kayo araw-araw habang may panahon pa, para walang sinuman sa inyo ang madaya ng kasalanan na nagpapatigas sa puso nʼyo. - Hebreo 3:13

Huwag tayong humatol base sa mga nakikita natin sa kanilang pisikal na anyo, mga gawa at estado ng buhay. Tanging ang Diyos na makapangyarihan lamang ang Siyang may karapatang humatol sa bawat isa sa atin. Lahat tayo ay pantay-pantay lamang sa paningin ng ating Panginoon. Walang mahirap, walang mayamang, walang higit at walang pangit, walang nakataas at nakakahigit kundi tayo ay patas sa harapan ng ating Panginoon. Lahat tayo ay hahatulan ayon sa ating mga gawa at ayon sa mga nilalaman ng ating puso.

#GodBlessUs😇❤

#day256 ❤

#toGodbetheglory

#keepussafealways

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now