Day 87 & 88

44 2 0
                                    

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Halikayo't kilalanin natin si Yahweh, sikapin nating siya'y makilala. Kasintiyak ng pagdating ng bukang-liwayway, darating siyang walang pagsala, tulad ng patak ng ulan sa panahon ng taglamig, tulad ng tubig-ulan na nagpapasibol sa mga halaman."

Hosea 6:3 MBB05



English:

Let us acknowledge the Lord;

let us press on to acknowledge him.

As surely as the sun rises,

he will appear;

he will come to us like the winter rains,

like the spring rains that water the earth."


Hosea 6:3 NIV



*******

Sa panahon natin ngayon higit na kailangan natin na kilalanin ang Diyos sa ating buhay sapagkat hindi natin hawak ang ating mga buhay. Papasukin natin ang Diyos sa ating puso't isipan at hayaang kumilos sa ating buhay ayon sa Kanyang kalooban.

Kung atin Siyang lubos na kikilalanin at tatanggapin, masusumpungan natin ang Kanyang katapatan. Sa pamamagitan ng Kanyang mayayamang salita na masusumpungan natin sa banal na bibliya na nagpapatotoo ng Kanyang kadakilaan at katapatan.

Ito ay patotoong tunay kung ating sasaliksikin at uunawain. Siya ang magiging matibay nating tanggulan na magbibigy sa atin ng pag-iingat at paggabay. Siya ay sasa atin at ang kaligtasan ay ating makakamtan sapagkat darating ang panahon ng pagdating ng Panginoong Diyos na makapangyarihan sa lahat.

#GodBlessUs😇❤

#day87 ❤

#ToGodBeTheGlory

#KeepUsSafe


============================


Day 88

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Hindi nagkasala si Cristo, ngunit dahil sa atin, siya'y itinuring na makasalanan upang sa pamamagitan niya ay maging matuwid tayo sa harap ng Diyos. 

2 Mga Taga-Corinto 5:21 MBB05 




English:

God made him who had no sin to be sin for us, so that in him we might become the righteousness of God.

2 Corinthians 5:21 NIV



******

Ang pagkilos ng Diyos sa ating buhay ay para sa ating kapakanan. Ninanais Niya na makamtan natin ang kaligtasan. Dahil sa lubos tayong minamahal ng Diyos, inialay Niya ang Kanyang bugtong na anak na si Hesus na Siyang nagtubos sa ating mga kasalanan. Kahit hindi tayo karapat dapat sa Kanyang harapan, tayo ay lubos pa rin Niyang binibigyan ng pagkakataon na magbago at magbalik-loob.

Sa pamamagitan ng ating Panginoong Hesus na naging patotoo ng kabutihan at nararapat na pamumuhay ayon sa ikaluluwalhatian ng ating Panginoon. Ngunit marami ang hindi tumanggap sa ating Panginoong Hesus sahalip ay itinuring Siyang makasalanan ngunit dahil dito ay naging matuwid tayo sa harapan ng ating Panginoon, kahit pa nga hindi nagkasala kailanman ang ating Panginoong Hesus.

Dahil sa kamatayan ng ating Panginoong Hesus nabayaran Niya ang kasalanan natin na dapat na tayo ang magbayad. Sa pamamagitan ng ating Panginoong Hesus inalis na ating pagkakasala at mga naglalayo sa atin sa Diyos.

#GodBlessUs😇❤

#day88 ❤

#toGodbetheglory

#keepUsSafe

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now