Day 229 & 230

20 2 0
                                    

Day 229

Tagalog

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog

Nagpapahina sa loob ng isang tao ang kabalisahan, ngunit ang magandang balita'y may dulot na kasiglahan. 

Mga Kawikaan 12:25 MBB05




English:

Anxiety weighs down the heart,

but a kind word cheers it up.

Proverbs 12:25 NIV




*******

Ang labis na pagkabalisa ay nagpapahina ng kalooban ng isang tao. Puno ng pangamba at takot sa mga bagay bagay na nakakapagpabagabag sa kanyang sarili. Kapag ito ang siyang umiral sa atin wala itong mabuting maidudulot. Sa halip makukulong lamang tayo sa ganitong klaseng sitwasyon na hindi lamang pisikal na pangangatawan ang maapektuhan kundi ang maging buo nating pagkatao.

Ngunit ang salita ng Diyos, hatid ay magandang balita na makakatulong sa atin upang maging gabay sa buhay. Tuturuan tayo ng mayayamamg salita ng Diyos upang ating mapaglabanan ang kabalisahan, takot at pangamba, maging kung paano mapagtagumpayan ang mga pagsubok na nakakapagpahina ng ating kalooban. Papawiin Niya ito at bibigyan tayo ng kapayapaan at lakas ng loob upang magpatuloy sa mga hamon ng buhay.

#GodBlessUs😇❤

#day229 ❤

#toGodbetheglory

#keepussafealways


=====================================


Day 230

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Sumagot si Tomas, "Panginoon ko at Diyos ko!" Sinabi sa kanya ni Jesus, "Naniniwala ka na ba dahil nakita mo ako? Mapalad ang mga naniniwala kahit hindi nila ako nakita."

Juan 20:28‭-‬29 MBB05




English:

28 Thomas said to him, "My Lord and my God!"

29 Then Jesus told him, "Because you have seen me, you have believed; blessed are those who have not seen and yet have believed."

John 20:28-29 NIV





*********

"To see is to believe." ito ang kadalasanang pinaniniwalaan nating mga tao. Katulad ng di paniniwala ni Tomas na nabuhay na mag-uli ang Panginoong Hesus:

Kaya't sinabi sa kanya ng ibang mga alagad, "Nakita namin ang Panginoon!" Sumagot si Tomas, "Hindi ako maniniwala hangga't hindi ko nakikita at nahahawakan ang butas ng mga pako sa kanyang mga kamay, at hangga't hindi ko naisusuot ang aking daliri sa mga sugat na iyon at sa kanyang tagiliran." 

Juan 20:25 MBB05 

Bago tayo maniwala ay ninanais muna nating mga tao na makita ng ating mga mata at masaksihan kung totoo nga ba ang ating mga pinaniniwalaan. Lalo na ang paniniwala nating ang Panginoong Hesus ay namatay at muling nabuhay. Higit na pagpapalain ang mga nagtitiwala at naniniwala sa Panginoong Hesus gayundin ang sumusunod sa Kanya sa kabila ng hindi Siya nakikita. 

#GodBlessUs😇❤

#day230 ❤

#toGodbetheglory

#keepussafealways

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now