Day 211 & 212

20 1 0
                                    

Day 211

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Ang Panginoon ay aking kalakasan at awit; at siya'y naging aking kaligtasan.

Mga Awit 118:14 TLAB




English:

The Lord is my strength and my song;

he has given me victory.

Psalm 118:14 NIV





*******

Kapag tayo ay nasa ating Panginoon nagtitiwalang lubos, mararanasan natin ang kalakasan hindi lamang ng pangangatawan kundi maging kalakasang espiritwal. Hindi manlulupaypay sa panahon ng mga pagsubok sa buhay bagkus Kanyang binibigya ng kapayapaan upang ang lahat ng ating mga dalahin sa buhay ay gumaan.

Hindi Niya hahayaan tayo ay maghirap ng lubusan. Sa Kanya ay makakamit natin ng kaligtasan at katagumpayan sa buhay sa gitna ng mga suliraning nararanasan. Kaya't sa Panginoon lamang tayo umasa at magtiwalang lubusan at hindi Niya tayo bibiguin kailanman. Siya ay tapat at hindi nagkukulang kahit kailanman.

#GodBlessUs😇❤

#day211 ❤

#toGodbetheglory

#keepussafealways


=================================


Day 212

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Ipagkaloob mo na aming makamit, O Yahweh, ang iyong wagas na pag-ibig, yamang ang pag-asa'y sa iyo nasasalig!

Mga Awit 33:22 MBB05



English:

May your unfailing love be with us, Lord,

even as we put our hope in you.

Psalm 33:22 NIV




*******

Wag tayong magsawang lumapit at dumulog sa ating Panginoon sa lahat ng oras. Sapagkat ang Kanyang pag-ibig ay hindi nagmamaliw. Kung ating inaakala na hindi Siya kumikilos sa ating buhay, tayo ay nagkakamali. Sapagkat ang pagkilos ng Diyos ay iba sa mga pamamaraang ninanais nating mga tao. Kaya't huwag tayong maghinawa sa pagtitiwala at pag-asa sa ating Panginoon.

#GodBlessUs😇❤

#day212 ❤

#toGodbetheglory

#keepussafealways

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now