Day 117 & 118

41 2 0
                                    

Day 117

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

At anuman ang inyong sasabihin o gagawin, gawin ninyong lahat sa pangalan ng Panginoong Jesus at sa pamamagitan niya'y magpasalamat kayo sa Diyos Ama. 

Mga Taga-Colosas 3:17 MBB05



English:

And whatever you do, whether in word or deed, do it all in the name of the Lord Jesus, giving thanks to God the Father through him.

Colossians 3:17 NIV



******

Lahat nawa ng ating gagawin o sasabihn ay maging kapurihan sa ating Panginoon. Nawa'y maging kalooban ng ating Panginoon ang patuloy, nating masunod at maghari sa ating mga puso. Ang kaisipan nating mga tao ay hindi kailanman makakagawa ng sapat bilang isang indibiduwal upang masakop ang mga posibleng sitwasyon na ating ginagalawan.

Datapwat ay ating isusumite ang lahat ng sandali ng ating buhay sa ating Panginoong Hesus, anuman ang ating mga ginagawa, pinaplano o iniisip at isinasalita. Ang Panginoong Diyos lamang ang Siyang nakakaalam ng lahat ng mga ikabubuti ng bawat isa sa atin. Kaya't papurihan natin Siya lubos at pasalamatan sa lahat ng Kanyang mga gawa. Kalooban Niya nawa ang masunod sa ating buhay.

#GodBlessUs😇❤

#day117 ❤

#ToGodBeTheGlory

#keepUsSafe


==================================


Day 118

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Si Yahweh ang siyang sa iyo'y mag-iingat saanman naroon, ika'y iingatan, di ka maaano kahit na kailan. Isang Awit ng Pag-akyat upang Sumamba; katha ni David.

Mga Awit 121:8 MBB05




English:

the Lord will watch over your coming and going

both now and forevermore.

Psalm 121:8 NIV


******

Saan man tayo naroroon, saan man tayo magpunta, at saan man tayo makarating. Anuman ang ating ginagawa ang Panginoon nating Diyos ang Siyang mag-iingat sa atin. Hindi Niya tayo pabababayaan na mapahamak kung sa Panginoon lamang tayo magtitiwala ng buong lubusan. 

Kaya't magtapat lamang tayo sa Panginoon at manalig ng buong puso sa Kanyang kakayahan. Tayo'y Kanyang poproteksyunan at aalagaan. Sa oras ng panganib ay may matatanggulan, hindi Niya hahayaan na tayo ay mapahamak. Binabantayan tayo ng Diyos sa lahat ng sadali ng ating buhay. 

#GodBlessUs😇❤

#day118 ❤

#toGodbetheglory

#keepUsSafe

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now