Day 167 & 168

23 3 0
                                    

Day 167

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Sa kasalukuyan, tila malabong larawan ang nakikita natin sa salamin, ngunit darating ang araw na harapan nating makikilala ang Diyos. Bahagya lamang ang nalalaman ko ngayon, ngunit darating ang araw na malulubos ang kaalamang ito, tulad ng lubos na pagkakilala niya sa akin. 

1 Mga Taga-Corinto 13:12 MBB05




English:

Now we see things imperfectly, like puzzling reflections in a mirror, but then we will see everything with perfect clarity. All that I know now is partial and incomplete, but then I will know everything completely, just as God now knows me completely.

1 Corinthians 13:12 NLT



*******

May mga pangyayari sa ating buhay na hindi natin lubos na nauunawaan. Mga pangyayaring walang katiyakan kung may mga kasagutan. Tila isang malabong larawan na ating nakikita sa salamin, ngunit tulad ng sinasabi sa talatang ito na darating ang panahon na makikilala natin ng harapan ang ating Panginoon.

Malalaman natin ang mga pangyayaring nangyayari sa ating buhay na may mga dahilan. Anuman ang mga ito ay may katiyakan na aral sa buhay na matutunan. Ipapakita nito sa atin kung paano pagkatiwalaan ang ating Panginoon sa mga panahon na malabong makakita ng kasagutan. Kung paano ang umasa at manalig sa Kanyang kakayahan.

Nalalaman ng Diyos ang lahat sa atin, alam Niya ang mga kapasidad at kakayahan natin mapapisikal, mental at ispiritwal na pananampalataya. Kaya't hindi Niya tayo bibigyan ng mga pagsubok na hindi natin kaya.

#GodBlessUs😇❤

#day167 ❤

#toGodbetheglory

#keepUsSafe


===================================


Day 168

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Tumigil na kami nang hindi namin siya mapigilan. Nasabi na lamang namin, "Masunod ang kalooban ng Panginoon." 

Mga Gawa 21:14 MBB05




English:

When he would not be dissuaded, we gave up and said, "The Lord's will be done."

Acts 21:14 NIV




******

Sa ating pamumuhay sa mundong ito, maghari nawa sa ating buhay ang kalooban ng Diyos. Masunod nawa ang Kanyang nais at 'wag ang sarili nating mga kagustuhan. Sapagkat kung tayo ay nagpapasakop sa sarili nating kagustuhan, magdudulot ito ng takot at pangamba, maging ang pagkabalisa, makamtan lamang ang pansariling kalooban.

Ngunit kung tayo ay papasakop ayon sa Kalooban ng ating Panginoon may kapayapaan at kapanatagan sa ating puso na hindi tayo pababayaan ng ating Panginoon. Kalooban Niya ang ating sundin sapagkat lahat ng Kanyang nais ay may dahilan. Mabuti man o masama ang mga pangyayari ngunit dala nito ay mga aral sa buhay. 

#GodBlessUs😇❤

#day168 ❤

#toGodbetheglory

#keepUsSafe

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now