Day 163 & 164

26 1 0
                                    

Day 163

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Binibigyan sila nang sapat na sapat, hindi nagkukulang; anupa't ang lahat ay may tinatanggap na ikabubuhay.

Mga Awit 145:16 MBB05




English:

You open your hand

and satisfy the desires of every living thing.

Psalms 145:16 NIV



*******

Ang Diyos kahit kailanman ay hindi nagpapabaya. Batid Niya ang lahat ng ating mga pangangailangan. Iniisip pa lamang natin ay nababatid na Niya. Ang mga kaloob Niya sa atin ay higit pa sa ating mga inaasahan.

Ngunit kung minsan hindi ito naiisip nating mga tao. Nagiging bulag tayo sa mga biyayang ipinagkakaloob sa atin ng Diyos. Ang mga hinihiling lamang natin sa Diyos ang gusto nating makuha mula sa Kanya. Ngunit hindi ito ang batayan ng Diyos kung ipagkakaloob man Niya o hindi, ito ay naayon sa Kanyang kalooban.

Ang kaloob ng Diyos sa atin higit na mabuti kaysa sa ating mga hinihingi. Binibigyan Niya tayo ng lahat ng ating mga pangangailangan. Sapat at madalas ay sobra sobra pa ang biyaya na ipinagkakaloob sa atin ng Diyos at hindi Siya kahit kailanman nagkulang sa bawat isa sa atin. 

 #GodBlessUs😇❤

#day163 ❤

#toGodbetheglory

#keepUsSafe


=================================


Day 164

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Tulad ng palmera, ang taong matuwid tatatag ang buhay, sedar ang kagaya, kahoy sa Lebanon, lalagong malabay. Mga punong natanim sa tahanan ni Yahweh, sa Templo ng ating Diyos bunga nila'y darami. Tuloy ang pagbunga kahit na ang punong ito ay tumanda, luntia't matatag, at ang dahon nito ay laging sariwa.

Mga Awit 92:12‭-‬14 MBB05



English:

12 The righteous will flourish like a palm tree,

they will grow like a cedar of Lebanon;

13 planted in the house of the Lord,

they will flourish in the courts of our God.

14 They will still bear fruit in old age,

they will stay fresh and green,


Psalms 92:12-14 NIV



*******

Ang taong matuwid dumaan man sa iba't-ibang sitwasyon ng buhay ay patuloy na magiging matatag at matibay, 'pagkat nabubuhay siya ng may katwiran. Batuhin man ng iba't-ibang pagsubok hindi siya manghihina ni manlulupaypay man. Ang presensya at pag-iingat ng Panginoon ay laging sasakanya, sapagkat lubos na kinalulugdan ng Diyos ang taong matuwid ang pamumuhay.

Ang pagpapala ng Diyos ay patuloy na naipamamalas sa mga taong matuwid. Ikinukumpara ito sa palmera, ito ay lumalaking matibay, mayabong, sila ay lumalago nang sagana, malusog at malakas. Ang kasaganaan ng kanilang mga dahon at katas ay magbubunga sa kanila.

Gayundin naman sa mga taong matutiwid, dumating man sa katandaan mananatiling matatag at matibay, magbubunga ang mga gawa niya habang siya ay nabubuhay.

#GodBlessUs😇❤

#day164 ❤

#toGodbetheglory

#keepUsSafe

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now