Day 213 & Day 214

20 2 0
                                    

Day 213

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Ang buong daigdig at ang lahat ng naroon, ang may-ari'y si Yahweh na ating Panginoon. 

Mga Awit 24:1 MBB05



English:

May your unfailing love be with us, Lord,

even as we put our hope in you.

Psalm 33:22 NIV




*******

Lahat ng mga bagay sa mundong ito ay pagmamay-ari ng ating Panginoong Diyos, maging tayo mang mga tao ay Kanya rin. Kaya't walang maipagmamalaki ang bawat isa sa atin. Hindi tayo maaring magmayabang o magmataas sa ating Panginoon sapagkat ultimo ating hininga ay pagmamay-ari Niya. Kaya't ating pahalagahan ang mga kaloob ng Diyos sa atin. Tulad ng kalikasan, materyal na bagay at maging ang ating mga sarili sapagkat pananagutan natin ang lahat ng mga pagmamay-ari Niya.

#GodBlessUs😇❤

#day213 ❤

#toGodbetheglory

#keepussafealways


=====================================


Day 214

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Bumangon ka at gawin mo ito sapagkat ito'y pananagutan mo at kami'y nasa likuran mo." 

Ezra 10:4 MBB05



English:

Rise up; this matter is in your hands. We will support you, so take courage and do it."

Ezra 10:4 NIV 




*******

Ang bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang pananagutan sa buhay. Bawat pananagutan ay may kaakibat na parusa o gantimpala ayon sa pagtugon natin. Kaya't buong tapang nating harapin ang mga ninanais ng Diyos na ating gawin.

Huwag tayong mawalan ng pag-asa at wag mag-alinlangan sa pagsuong natin sa pagdaan sa mga ninanais ng Diyos na ating lakaran. Buong tapang, tibay ng kalooban at lakas natin itong harapin. Sapagkat kung sa ating Panginoon tayo huhugot ng lakas hindi tayo manlulupaypay ni mapapahamak man.

Hindi lamang tayo ang magtatagumpay kundi ang mga tao o mga nasa paligid natin na umaasa sa ating kakayahan. Kaya't buong puso, buong tiyaga at buong pagtitiwala sa Diyos na atin itong mapagtatagumpayan.

#GodBlessUs😇❤

#day214 ❤

#toGodbetheglory

#keepussafealways

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now