Day 143 & 144

38 1 0
                                    

Day 143

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Tayong lahat ay nagkakamali sa iba't ibang paraan. Ang sinumang hindi nagkakamali sa kanyang pananalita ay isang taong ganap at marunong magpigil sa sarili.

Santiago 3:2 MBB05 



English:

e all stumble in many ways. Anyone who is never at fault in what they say is perfect, able to keep their whole body in check.

James 3:2 NIV




 ****** 

 Walang taong perpekto at hindi nagkakamali. Lahat tayo ay may mga kahinaan at mga pagkakasala na nagagawa. Walang sinuman sa atin ang makapagsasabi na siya'y hindi nagkakamali o nagkakasala man.

Ngunit kung tayo ay marunong magpigil sa sarili. Dapat ay nakakapagpatibay hindi nakakapagpatisod ng kapwa. Bilang mga mananampalataya ni Kristo hindi natin maiwasan ang pagkadapa ngunit dahil sa hindi tayo mga perpekto mas mainam na maging katulungan tayo sa kapwa lalo't higit sa ating mga kapananampalataya.

#GodBlessUs😇❤

#day143 ❤

#toGodbetheglory

#keepUsSafe


================================


Day 144

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Ang tinanggap natin ay hindi ang espiritu ng sanlibutan kundi ang Espiritu na mula sa Diyos upang maunawaan natin ang mga kaloob niya sa atin.

1 Mga Taga-Corinto 2:12 MBB05




English:

What we have received is not the spirit of the world, but the Spirit who is from God, so that we may understand what God has freely given us.

1 Corinthians 2:12 NIV




*******

Kapag ating kikilalanin at tatanggapin ang Panginoong Hesus bilang isang Diyos na buhay at tagapagligtas makakamtan natin ang espiritu na kaloob ng Diyos. Ito ay galing sa Kanya at hindi galing sa sanlibutan. Sa pamamagitan ng espiritu na kaloob ng Diyos makikita natin ang kalooban ng Diyos na ninanais Niyang masunod sa ating buhay. Pinalaya tayo ng espiritu ng Diyos sa espiritu na makamundo, noong tayo'y mga hindi pa nakakakilala sa Kanya.

Ang espiritu ng Diyos ang Siyang nagiging patunay ng pananampalataya natin sa ating Panginoong HesuKristo. Ito rin ang napakagandang regalo na ating natanggap magmula ng tayo ay tumanggap at manampalataya sa ating Panginoong Hesus. Kaya't nais ng Diyos na atin Siyang makilala at pagkatiwalaan ng buong buo upang makamtan natin ang magandang regalo na espiritu na nagmumula sa Kanya.

#GodBlessUs😇❤

#day144 ❤

#toGodbetheglory

#keepUsSafe

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now