Day 287 & 288

24 0 0
                                    

Day 287

Tagalog:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tagalog:

Subalit kung ipinapahayag natin sa Diyos ang ating mga kasalanan, maaasahan nating patatawarin tayo ng Diyos sa mga ito, at lilinisin tayo sa lahat ng ating kasalanan, sapagkat siya'y tapat at matuwid. Kung sinasabi nating hindi tayo nagkakasala, ginagawa nating sinungaling ang Diyos, at wala sa atin ang kanyang salita. 

1 Juan 1:9‭-‬10 MBB05




English:

9 If we confess our sins, he is faithful and just and will forgive us our sins and purify us from all unrighteousness. 10 If we claim we have not sinned, we make him out to be a liar and his word is not in us.

1 John 1:9-10 NIV




*********

Lahat tayo ay pwedeng makatanggap ng kapatawaran mula sa ating Panginoon. Kahit pa nga tayo ang pinakamakasalanan ay kayang patawarin ng ating Panginoon. Kaya Niyang linisin tayo mula sa ating mga karumihan at mantsa ng ating mga kasalanan. Walang imposible para sa ating Panginoon lahat ay pwedeng maging posible para sa Kanya maniwala at magtiwala lamang tayo sa ating Panginoon.

Kung hindi natin inaamin na tayo ay walang mga kasalanan, dinadaya natin ang ating mga sarili. Kung magkagayon wala sa atin ang presensya ng ating Panginoon. Hindi ang salita ng Panginoon nating Diyos ang Siyang sumasaatin. Sapagkat wala kahit isa sa atin ang hindi nagkasala. Lahat tayo ay makasalanan sa harapan ng ating Panginoon.

Subalit kahit tayo ay makasalanan, may pag-asa pa rin tayo na mapatawad sa lahat ng ating mga pagkakasala. Babaguhin Niya tayo ng lubusan kung ating isusuko ang ating sarili sa Kanya at buong pusong humingi ng tawad sa ating Panginoon.

Mahabagin ang Panginoon at mapagpatawad, kaya't hindi pa nawa huli sa atin kapatid ang lumapit at magpatirapa sa ating Panginoon. Tayo'y buong pusong lumapit sa Kanya at amin ang lahat ng ating mga kasalanan. At mamuhay ng naayon sa Kanyang kalooban.


#GodBlessUs😇❤

#day287 ❤

#toGodbetheglory

#keepussafealways


====================================


Day 288

Tagalog:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tagalog:

Dumarating ang magnanakaw para lamang magnakaw, pumatay, at manira. Naparito ako upang ang mga tupa ay magkaroon ng buhay, ng isang buhay na masagana at ganap. "Ako ang mabuting pastol. Iniaalay ng mabuting pastol ang kanyang buhay para sa mga tupa. 

Juan 10:10‭-‬11 MBB05




English:

10 The thief comes only to steal and kill and destroy; I have come that they may have life, and have it to the full.

11 "I am the good shepherd. The good shepherd lays down his life for the sheep.

John 10:10-11 NIV





***********

Ang Panginoong Hesus ay naparito sa lupa upang iligtas tayong lahat sa ating mga kasalanan. Tinutulungan ang lahat ng mga nangangailangan ng tulong, bibinibigyan ng pag-asa ang lahat ng mga nawawalan nito. Inaaliw Niya tayo sa panahon ng ating pagkalumbay. Pinalalakas ang lahat ng mahina at pinagagaling ang lahat ng may sakit.

Napakabuti ng ating Panginoong Hesus, tunay ngang hindi natin kayang bilangin ang kabutihan Niya sa bawat isa sa atin. Tanging Siya lamang ang kakayahang ibigay ang lahat para sa atin, maging ang Kanyang buhay ay inialay Niya para sa ikaliligtasan ng bawat isa sa atin. Ganoon Niya tayo kamahal, nais Niyang ang bawat isa sa atin ay maligtas.

Hindi katulad ng isang magnanakaw na naparito lamang upang magnakaw, pumatay at manira. Ang hatid ng magnanakaw sa ating buhay ay gulo at kapahamakan. Hindi iniisip ang kapakanan ng kapwa kundi pansariling kaluguran lamang. Puno ng sakit at dusa ang kayang gawin sa ating buhay ng isang magnanakaw.

Kaya't sa Panginoong Hesus lamang tayo magtiwala ng buong puso't lubusan sapagkat kung tayo ay nasa piling at pangangalaga Niya hindi tayo kailanman mapapahamak. Siya ang mabuting pastol na handa tayong gabayan at samahan sa buhay natin dito sa lupa at maging sa buhay na walang hanggan.

Kaya't nawa ay papasukin natin sa ating puso ang ating Panginoong Hesus. Atin Siyang tanggapin at kilalanin bilang isang Diyos na buhay at makapangyarihan sa lahat. Upang ang buhay na naninanais nating matamasa hindi lamang dito sa lupa kundi maging sa kabilang buhay ay makamtan natin.


#GodBlessUs😇❤

#day288 ❤

#toGodbetheglory

#keepussafealways

365 Days || Bible Verses (2021)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon