Day 113 & 114

47 2 2
                                    

Day 113

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Kaya nga, mga minamahal kong kapatid, magpakatatag kayo at huwag matinag. Maging masipag kayo sa paglilingkod sa Panginoon, dahil alam ninyong hindi masasayang ang inyong paghihirap para sa kanya.

1 Mga Taga-Corinto 15:58 MBB05



English:

So, my dear brothers and sisters, be strong and immovable. Always work enthusiastically for the Lord, for you know that nothing you do for the Lord is ever useless.

1 Corinthians 15:58 NLT




******

Magpatuloy tayo sa paglilingkod sa ating Panginoon. Anuman ang mga kaloob sa atin ng Diyos, gamitin natin ito upang maparangalan Siyang lubos.Magpakatatag tayo at huwag magpapatinag sa mga hamon at pagsubok na dumarating sa ating buhay o sa mga maghahadlang sa paglilingkod natin sa Diyos. Ito ay mga pagsubok lamang upang ating mapatunayan ang tapat at matibay nating pagtitiwala at pananalig sa ating Diyos na makapangyarihan sa lahat.

Kaya't kung tayo man ay naghihina at gusto ng sumuko, lumapit tayo sa Diyos at buong pusong humingi ng tulong mula sa Kanya at pagkakalooban Niya tayo ng katatagan at kalakasan ng loob. Hindi Niya tayo hahayaan na mabuwal kaya't magpatuloy tayo at wag na wag magpapatinag sa mga makapaghahadlang upang sumuko sa paglilingkod sa ating Panginoon. 

Anuman ang mga kakayahan o kaloob niya sa bawat isa sa atin, gamitin natin ito ayon sa ikalulugod at ikararangal Niya. Magpakasipag at magpatuloy lamang tayo sa paglilingkod sa ating Panginoon anuman ang maging sitwasyon ng ating buhay sapagkat may katiyakan tayong hindi masasayang ang paglilingkod at pagpapagal natin sa ating Panginoong Diyos. Mga pangako Niya ay tunay at tapat, ating mapanghahawakan at mapananaligan.

#GodBlessUs😇❤

#day113 ❤

#toGodbetheglory 

#keepUsSafe


===============================


Day 114

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Itinuro mo sa akin ang mga landas upang ako'y mabuhay, dahil sa ikaw ang kasama ko, ako'y mapupuno ng kagalakan.' 

Mga Gawa 2:28 MBB05



English:

You have made known to me the paths of life;

you will fill me with joy in your presence.

Acts 2:28 NIV




******

Ibinigay na sa atin ng Diyos ang lahat ng mga aral at turo na dapat nating malaman, atin na lamang itong saliksikin at unawain. Kapag Siya ang naging sentro ng ating buhay may katiyakan tayong Siya ay sasa atin. Kanya tayong iingatan at gagabayan. Hindi Niya hahayaan na tayo ay mapahamak.

Kapag ang landas na ating tinatahak ay ang landas na itinuro sa atin ng Diyos, mabubuhay tayo ng matiwasay at may kapayapaan sa ating puso't isipan. Ang kagalakan ng ating puso ay mag-uumapaw sapagkat sa Panginoon lamang natin masusumpungan at makakamtan ang buhay na inaasam.

#GodBlessUs😇❤

#day114 ❤

#ToGodBeTheGlory

#keepUsSafe


365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now