Day 23 & 24

91 6 0
                                    

Day 23

Tagalog:

Ουπς! Αυτή η εικόνα δεν ακολουθεί τους κανόνες περιεχομένου. Για να συνεχίσεις με την δημοσίευση, παρακαλώ αφαίρεσε την ή ανέβασε διαφορετική εικόνα.

Tagalog:

Huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang bagay. Sa halip, hingin ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat.Mga Taga-Filipos 4:6 MBB05


English:

Don't worry about anything; instead, pray about everything. Tell God what you need, and thank him for all he has done.

Philippians 4:6 NLT



 ***** 

Ang pagkabalisa tungkol sa anumang bagay ay hindi natin maiiwasang mga mga tao na maramdam. Ngunit kung tayo ay sa ating Panginoong Diyos nagtitiwala, anuman ang maging pangangailangan o pagsubok na dadaanan sa ating buhay ay ating makakayanan sa tulong Niya. Sapagkat Siya lamang ang may kakayahan at kapangyarihan na makapagbago ng ating sitwasyon na kinakaharap na nagdudulot sa atin ng pagkabalisa. 


Kaya't sahalip na balutin tayo ng mga pagkabalisa sa mga bagay bagay o anumang problema, ay bakit hindi natin ito ilalapit at idudulog sa ating Panginoong Diyos na makapangyarihan sa lahat. Sa pamamagitan ng pananalanging may pasasalamat tayo nakikipag-usap sa Kanya. Walang hindi kayang gawin ang panalangin na taimtim. Sa Kanya ay may kapayapaan tayong makakamtan.

 #GodBlessUs😇❤ #day23 #toGodbetheglory #KeepUsSafe


===============================


Day 24

Tagalog:

Ουπς! Αυτή η εικόνα δεν ακολουθεί τους κανόνες περιεχομένου. Για να συνεχίσεις με την δημοσίευση, παρακαλώ αφαίρεσε την ή ανέβασε διαφορετική εικόνα.

Tagalog:

Ako'y magpapasalamat sa iyo; sapagka't nilalang ako na kakilakilabot at kagilagilalas: kagilagilalas ang iyong mga gawa; at nalalamang mabuti ng aking kaluluwa. 

Mga Awit 139:14 TLAB




English:

I praise you because I am fearfully and wonderfully made; your works are wonderful, I know that full well.

Psalms 139:14 NIV



 ******


Papurihan at pasalamatan natin ang ating Panginoong Diyos na makapangyarihan sa lahat. Sapagkat ang paglikha sa bawat isa sa atin ay tunay ngang kahanga-hanga. Lahat tayo ay Kanyang nilalang na may pagkakakilanlan at walang pagkakapareho. Nakikilala Niya ang bawat isa sa atin. Ang kapangyarihan ng Panginoon ay hindi lubos na nauunawaan nating mga tao. 

#GodBlessUs😇❤ #day24 ❤#ToGodBeTheGlory #KeepUsSafe

365 Days || Bible Verses (2021)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα