Day 265 & 266

27 0 0
                                    

Day 265

Tagalog:

Oops! Bu görüntü içerik kurallarımıza uymuyor. Yayımlamaya devam etmek için görüntüyü kaldırmayı ya da başka bir görüntü yüklemeyi deneyin.

Tagalog:

Aking anak, ang saway ni Yahweh ay huwag mamaliitin, at ang kanyang pagtutuwid ay huwag mong itakwil, pagkat lahat ng mahal niya'y itinatama ng daan, tulad ng anak na minamahal, sinasaway ng magulang.

Mga Kawikaan 3:11‭-‬12 MBB05




English:

11 My son, do not despise the Lord's discipline,
and do not resent his rebuke,
12 because the Lord disciplines those he loves,
as a father the son he delights in.






*********

Huwag nating ikakasama ng loob kung tayo man ay itinutuwid ng ating Panginoon. Nais lamang Niya na tayo ay mapabuti at hindi mapahamak. Ang mga paalala, turo at aral Niya sa pamamagitan ng pagbabasa ng bibliya ang maging gabay nawa natin upang ang kalooban ng Diyos ang Siyang masunod sa ating buhay.

Iba't-iba ang Kanyang pamamaraan upang tayo ay sawayin sa lahat ng ating mg nagagawang kasalanan. Maging bukas ang ating kaisipan sa mga palo at saway Niya sa lahat ng ating mga nagagawang pagkakamali. Huwag nating kagalitan Siya sa lahat ng mga ginagawa Niyang pagsaway sa atin. Bagkus ating unawain ang lahat ng ating pagkakamali at pagsikapang alisin o lumayo sa mga kasalanang ating nagagawa, sa isip man o sa gawa.

Mapapalad tayo kung tayo ay Kanyang sinasaway at itinutuwid ng Diyos sapagkat tayo ay tunay ngang mga anak Niya. Dahil tulad ng isang magulang, walang anak ang ninanais Niyang namumuhay sa mga maling gawa. Sa halip ay itinutuwid at sinasawa nila ito sa kanilang mga kasalanan at pagkakamaling nagagawa.

Hindi ba't higit ang pagmamahal ng Diyos sa bawat isa sa atin at walang katulad. Wala Siyang ninanais kundi ang ating mga ikabubuti at ikaayos ng ating pamumuhay. Kaya't pahalagahan at palawakin ang ating isipan upang maunawaan ang mga saway ng Diyos ay tungo sa ating mga ikabubuti at hindi sa ating mga ikasasama.

#GodBlessUs😇❤

#day265 ❤

#toGodbetheglory

#keepussafealways


========================================


Day 266

Tagalog:

Oops! Bu görüntü içerik kurallarımıza uymuyor. Yayımlamaya devam etmek için görüntüyü kaldırmayı ya da başka bir görüntü yüklemeyi deneyin.

Tagalog:

sa kanya ay may buhay, at ang buhay ay siyang ilaw ng sangkatauhan. Nagliliwanag sa kadiliman ang ilaw, at hindi ito nagapi kailanman ng kadiliman.

Juan 1:4‭-‬5 MBB05




English:

4 In him was life, and that life was the light of all mankind. 5 The light shines in the darkness, and the darkness has not overcome[] it.

John 1:4-5 NIV



********

Ang Panginoong Hesus ang Siyang ilaw ng sanlibutan. Siya ang ilaw sa madilim na landas. Binibigyan Niya ng pag-asa ang buhay na lugmok sa kadiliman. Hindi kailanman nagapi ng kadiliman ang liwanag ng ating Panginoon. Sa Panginoong Hesus ay may katiyakan tayong buhay na walang hanggan.

Kung tayo ay magpapasakop at magtitiwala sa ating Panginoong Hesus hindi Niya tayo pababayaan. Tayo ay Kanyang gagabayan upang huwag mabalot ng kadiliman ang ating buhay. Siya ang magiging tanglaw ng ating buhay upang bigyan tayo ng pag-asa at kapanatagan sa ating buhay na hindi tayo nag-iisa kailanman. Sasamahan Niya tayo sa lahat ng panahon ng pamamalagi natin dito sa lupa.

#GodBlessUs😇❤

#day266 ❤

#toGodbetheglory

#keepussafealways

365 Days || Bible Verses (2021)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin