Day 65 & 66

49 5 0
                                    

Day 65

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Kung hindi mo maaaring malaman kung paanong ang hininga ay pumapasok sa katawan ng isang sanggol na nasa sinapupunan ng kanyang ina, lalong hindi maaabot ng isip mo kung paano ginagawa ng Diyos ang lahat ng bagay. 

Ang Mangangaral 11:5 MBB05



English:

As you do not know the path of the wind,

or how the body is formed in a mother's womb,

so you cannot understand the work of God,

the Maker of all things.

Ecclesiastes 11:5 NIV


******

Hindi natin lubos na kayang unawain ang lahat ng mga bagay na kayang gawin ng ating Panginoon. Katulad ng kaalaman natin kung paano nga ba nagkakaroon ng hininga ang batang nasa sinapupunan ng kanyang ina? at ang mga buto ay paanong nabubuo? o maging kapag pumanaw na ang tao, hindi lahat ay nakakatitiyak kung paano ito nakalalabas sa ating katawan at kung saan ang patungo nito? Mga katanungang ang ating Diyos lamang ng Siyang nakakaalam ng lahat. 

Ang nakakaalam ng mangyayari sa araw ng bukas at magtatakda ng lahat. Kung kailan darating ang araw ng kaunlaran o maging ng kahirapan. Kung kailan ang magiging ating wakas. Kaya't napakadakila't makapangyarihan ng ating Panginoong Diyos na Siyang may lalang ng lahat. Papurihan natin Siya at patuloy na dakilain. 

 #GodBlessUs😇❤

#day65 ❤ 

#ToGodBeTheGlory 

 #keepUsSafe

===============================


Day 66

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Si Yahweh ay papurihan pagkat siya ay mabuti, ang taglay niyang kabaitan ay marapat sa papuri. 

Mga Awit 135:3 MBB05



English:

Praise the Lord, for the Lord, is good;

sing praise to his name, for that is pleasant.

Psalms 135:3 NIV




*****

Papurihan natin at dakilain natin ang ating Panginoon. Marapat lamang na ating maitaas ang Kanyang ngalan. Ang kabutihan Niya sa bawat isa sa atin ay patuloy na nahahayag. Mga papuri at pasasalamat ay ating ibigay sa ating Panginoon sa lahat ng sandali, 'pagkat ito'y nararapat lamang nating gawin. Ang pagkilala sa Kanya at pagpapahayag ng kabutihan at kadakilaan ng ating Panginoon ang patuloy na mahayag mula sa atin. . 

#GodBlessUs😇❤ 

#day66 ❤ 

#ToGodBeTheGlory 

#keepUsSafe

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now