Day 295 & 296

34 0 0
                                    

Day 295

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

At ang mga pusong wasak ay kanya ring lulunasan, ang natamo nilang sugat ay bibigyang kagalingan. 

Mga Awit 147:3 MBB05




English:

He heals the brokenhearted
and binds up their wounds.

Psalm 147:3 NIV


********

Sa Panginoon tayo lumapit, anumang sakit ng pagkawasak ng ating puso ay Kanyang lulunasan. Anumang sugat na dulot ng labis na pighati ng mga pasakit ng buhay ay Kanyang pagalingin. Tutulungan Niya tayo sa anumang pasanin ng ating mga puso kung buong puso tayong magtitiwala at mananalig sa Kanya. Katulad ng kantang 

"God is Able" 

by Hillsong: 

God is able

He will never fail

He is almighty God

Greater than all we seek

Greater than all we ask

He has done great things

Lifted up

He defeated the grave

Raised to life

Our God is able

In His name

We overcome

For the Lord

Our God is able

God is with us

God is on our side

He will make a way

Far above all we know

Far above all we hope

He has done great things


Kasama at kasanggalang natin ang ating Panginoon. Ang lahat ay kaya ng ating Panginoon, kaya Niyang gawing posible ang mga imposible. Kaya't kung tayo man ngayon ay dumaranas ng pagkabigo at labis na pagkawasak ng ating puso huwag tayong lubusang malugmok. Nandito ang ating Panginoon, kaya Niyang bigyang lunas ang lahat ng pagkawasak ng ating puso. Paghihilumin Niya ang sugat na labis na nagdurugo. Pagkatiwalaan lamang natin Siya ang buong puso. 


#GodBlessUs😇❤

#day295 ❤

#toGodbetheglory

#keepussafealways


========================================


Day 296

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Kaya't buong tapang nating masasabi, "Ang Panginoon ang tumutulong sa akin, hindi ako matatakot. Ano ang magagawa sa akin ng tao?" 

Mga Hebreo 13:6 MBB05



English:

So we say with confidence,

"The Lord is my helper; I will not be afraid.

What can mere mortals do to me?"

Hebrews 13:6 NIV



***********

Kapag tayo ay nasasa ating Panginoon, magkakaroon tayo ng buong tapang na maipagmalaki ang Kanyang kabutihan sa buhay natin. Kaya nating ipagsigawan sa mundo ang mga ginawa Niyang tulong sa ating buhay. Tayo ang mga buhay na patotoo ng pagkilos ng Diyos ay totoo at tunay.

Walang hindi tayo kayang gawin sa pangalan ng ating Panginoong Hesus. Walang sinabi o binatbat ang tao sa kayang gawin ng ating Panginoon. Tanging ang Panginoon lamang ang may wagas at tapat na pagtulong sa lahat ng mga nanalig at nagtitiwala sa Kanya.


#GodBlessUs😇❤

#day296 ❤

#toGodbetheglory

#keepussafealways

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now