Day 345 & 346

34 1 0
                                    

Day 345

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Ang isang tao'y maraming iniisip, maraming binabalak, ngunit ang kalooban din ni Yahweh ang siyang mananaig. 

Mga Kawikaan 19:21 MBB05




English:

Many are the plans in a person's heart,
but it is the Lord's purpose that prevails.

Proverbs 19:21 NIV




************

Likas sa ating mga tao ang magbalak o magplano sa mga ginugusto nating mangyari o matupad. Ang sarili nating nasa ang Siyang gusto nating nasusunod kaya't ninanais natin na ang lahat ng gusto nating mangyari ang gusto natin na matupad. 

Ngunit kung ito ay hindi kalooban ng ating Panginoon hindi Niya ito pahihintulutan na mangyari at maganap. Sapagkat may mga binabalak tayo na sa tingin natin ay makakabuti at makakapagbigay kasiyahan sa atin ngunit nalalaman ng Diyos kung ito nga ba ay makabubuti o makasasama.

Hindi rin natin maaring ipagyabang o ipagmalaki ang mga plano at mga binabalak natin na mangyari sapagkat hindi natin hawak ang kalooban ng Diyos kung ito ba ay dapat at hindi dapat na matupad. Bagkus ay atin itong isangguni at hilingin sa ating Panginoon kung ito bang ating mga binabalak ay naayon sa Kanyang kalooban at mangyari na maging kalooban Niya.

Upang sagayon kung matupad man o hindi man ito matupad ay nasunod pa rin ang Kanyang kalooban. Huwag natin itong ikasama ng loob kung hindi ito nangyari o naganap sapagkat maaring may mas maganda Siyang plano o ninanais na maganap, higit pa sa planong ating inaasam.

#GodBlessUs😇❤

#day345 ❤

#thankyouLord 🙏

#toGodbetheglory

#keepussafealways


=======================================


Day 346

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Ito ang tunay na ilaw: dumarating ito sa sanlibutan upang magbigay liwanag sa lahat ng tao. Dumating ang Salita sa sanlibutan ngunit hindi siya kinilala ng sanlibutang ito na nilikha sa pamamagitan niya. 

Juan 1:9‭-‬10 MBB05



English:

9 The true light that gives light to everyone was coming into the world. 10 He was in the world, and though the world was made through him, the world did not recognize him.

John 1:9-10 NIV




**************

Ang ating Panginoong Hesus ang Siyang tunay na ilaw na tumatanglaw sa sanlibutan, Siya ang sumisimbolo ng buhay, karunungan, liwanag at pag-asa sa ating buhay. Sa madilim nating landas Siya ang nagbibigay liwanag upang magkaroon tayo ng pag-asa.

Nakakalungkot lamang isipin na kahit anong patotoo o pagpapatunay ng ating Panginoong Hesus ng Kanyang wagas na pag-ibig at pagliligtas sa bawat isa sa atin sa ikapagpapatawad sa ating mga kasalanan, ay hindi pa rin Siya pinapaniwalaan ni pinapakinggan. Siya ang salita na naparito upang tayo ay iligtas at tubusin sa ating mga pagkakasala.

Nawa'y sa kadiliman ng ating buhay kung saan hindi tayo tiyak sa buhay na darating, sa panahon ng mga pagkabagabag at pagkalugmok sa kadiliman, atin nawang hanapin ang liwanag sapagkat ang liwanag ay magbibigay sa atin ng kaliwanagan, pag-asa at kapayapaan. Kaligtasan at katagumpayan tungo sa buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng ating Panginoong Hesus lamang at wala ng iba pa. 

#GodBlessUs😇❤

#day346 ❤

#thankyouLord

#toGodbetheglory

#keepussafealways

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now