Day 67 & 68

51 5 0
                                    

Day 67

Tagalog:

اوووه! هذه الصورة لا تتبع إرشادات المحتوى الخاصة بنا. لمتابعة النشر، يرجى إزالتها أو تحميل صورة أخرى.

Tagalog:

Salita mo'y isang tanglaw na sa akin ay patnubay, sa landas kong daraanan, liwanag na tumatanglaw. 

Mga Awit 119:105 MBB05



English:

Your word is a lamp for my feet,

a light on my path.

Psalms 119:105 NIV



******

Ang salita ng ating Panginoon ang Siyang nagiging gabay natin sa pang-araw-araw nating pamumuhay. Mainam na patnubay upang tayo ay makapamuhay sa tamang landasin. Mga salita Niya ang nagbibigay sa atin ng patnubay sa pamamagitan ng liwanag na Siyang nagiging tanglaw sa daan ng kadiliman. 

Kaya't patuloy nating pagbulay bulayan ang Kanyang mayayamang salita upang maging patnubay at gabay natin sa daan ng kadiliman. Mga salita Niya ay matibay na kanlungan na ating mapanghahawakan. Kahit kailanman ay hindi Niya binibigo ang taong sa Kanya'y nagtitiwala.

#GodBlessUs😇❤

#day67 ❤

#ToGodBeTheGlory

#keepUsSafe

=============================


Day 68

Tagalog:

اوووه! هذه الصورة لا تتبع إرشادات المحتوى الخاصة بنا. لمتابعة النشر، يرجى إزالتها أو تحميل صورة أخرى.

Tagalog:

Bakit ako nababahala, bakit ako nahahapis? Sa Diyos ako ay aasa at sa kanya mananalig. Muli akong magpupuri sa Diyos ko't Tagapagligtas, itong aking pagpupuri sa kanya ko ihahayag! 

Mga Awit 43:5 MBB05



English:

Why, my soul, are you downcast? 

Why so disturbed within me?

Put your hope in God,

for I will yet praise him,

my Savior and my God.

Psalms 43:5 NIV


*****

Bakit nga ba tayo nababahala? Para saan nga ba tayo nahahapis? Kung tayo ay buong pusong nagtitiwala at nananalig sa ating Panginoon ang lahat ng mga ito ay mawawaksi sa ating puso. Ang lahat ng ating mga pag-aalala o kahapisan ay mapapalitan ng kapayapaan kung tayo ay sa ating Panginoon magtitiwala.

Ano man ang mga pinagdadaanan natin, kung masaya man o malungkot, nasa gitna man tayo ng kapighatian o maging iba't-iba mang mga pagsubok, maakakaasang hindi Niya tayo pababayaan. Kaya't ang papuri at pasasalamat ay sa Kanya lamang natin ibigay. Marapat lamang na maipahayag natin ang Kangyang kabutihan at ang papuri ay maitaas sa Kanya. 

 #GodBlessUs😇❤

#day68❤

#ToGodBeTheGlory

#keepUsSafe

365 Days || Bible Verses (2021)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن