Day 55 & 56

62 5 0
                                    

Day 55

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Walang taong nabuhay sa daigdig na gumagawa ng mabuti at hindi nagkakasala. 

Ang Mangangaral 7:20 MBB05 



English:

Indeed, there is no one on earth who is righteous,

no one who does what is right and never sins.

Ecclesiastes 7:20 NIV


 ******

Lahat tayo ay nagkakasala walang sinuman sa atin ang hindi nagkasala. Maging ang mabubuting tao ay nagkakasala din. Kaya't hindi natin pwedeng ipagmalaki na tayo ay hindi makasalanan. Dinadaya natin ang ating sarili kung hindi natin ito aaminin sa ating sarilit sapagkat lahat tayo ay hindi nakaabot sa kaluwalhatian ng ating Panginoon.

 Ngunit ganunpaman ay minamahal at pinapapatawad pa rin tayo ng ating Panginoon. Isinugo Niya ang Kanyang bugtong na anak na si Hesus na Siyang nagtubos sa lahat ng ating mga kasalanan. At dahil sa Kanyang kamatayan ito ay naging daan upang mapatawad ka, ako at ang buong mundo sa lahat ng ating mga kasalanan. 

Lubos nating makakamtan ang kapatawaran mula sa ating Panginoon kung buong puso tayong hihingi ng tawad, gayundin ang magtiwala at kilalanin ang ating Panginoong Hesus na Siyang Diyos at tagapagligtas. 

 #GodBlessUs😇❤ #day55 ❤#toGodbetheglory #keepUsSafe

=============================


Day 56

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

O Diyos, mga pangako mo'y tinutupad mo ngang lahat, ang dahilan nito, Yahweh, pag-ibig mo'y di kukupas, at ang mga sinimulang gawain mo'y magaganap. 

Mga Awit 138:8 MBB05



English:

The Lord will vindicate me;

your love, Lord, endures forever—do not abandon the works of your hands.

Psalm 138:8 NIV


 ******

Ang mga pangako ng ating Panginoon ay Kanyang tinutupad. Hindi Niya tayo binibigo kailanman. Lubos Niya tayong minahal , higit pa sa ating mga inaakala. Simula noon hanggang ay patuloy Niyang ipinadadama ang Kanyang pagmamahal sa bawat isa sa atin. Siya'y ating gabay sa buhay upang makamit nating ganap ang mga ninanais natin na kalooban ng Diyos sa buhay natin. 

 #GodBlessUs😇❤ #day56 ❤#ToGodBeTheGlory #keepUsSafe

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now