Day 129 & 130

41 2 0
                                    

Day 129

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Marangal at kapita-pitagan ang kanyang kaanyuan at wala siyang pangamba sa bukas na daratal. Ang mga salita niya ay puspos ng karunungan at ang turo niya ay pawang katapatan. Sinusubaybayan niyang mabuti ang kanyang sambahayan at hindi tumitigil sa paggawa araw-araw. Iginagalang siya ng kanyang mga anak at pinupuri ng kanyang kabiyak:

Mga Kawikaan 31:25‭-‬28 MBB05



English:



25 She is clothed with strength and dignity; she can laugh at the days to come. 26 She speaks with wisdom, and faithful instruction is on her tongue. 27 She watches over the affairs of her household and does not eat the bread of idleness. 28 Her children arise and call her blessed; her husband also, and he praises her:

Proverbs 31:25-28 NIV





******

Isang pagpupugay sa mga dakilang ilaw ng ating tahanan. Ang ating mga dakilang ina ang binigay ng Diyos na maging daan upang tayo ay maisilang dito sa mundo. Sila ang unang nag-alaga, nagkalinga, nagturo at umalalay, at gumabay hanggang sa tayo ay matuto sa buhay. Pagmamahal nila sa ating mga anak at pamilya ay tunay at wagas. Handang ibigay sa atin ang lahat, ika nga nila "isusubo na nila't lahat ay ibibigay pa sa anak".

Kalarawan ng isang butihing ina ang talatang ito na iwinangis sa isang babaeng marangal at kapita-pitagan. Handang gawin ang lahat para sa kanyang pamilya. Hindi siya nagsasawa sa paggawa araw-araw, maibigay lamang ang lahat ng pangangailngan ng kanyang sambahayan. 

May takot sa Diyos at sumusunod sa Kanyang mga utos. Upang sagayon, ang mga salita at aral niya ay napuspos ng karunungan sapagkat gabay niya ang salita ng Diyos. Minamahal siya at ginagalang ng kanyang mga anak at kapurihan ng Kanyang kabiyak. 

-----

Biyaya ang ating mga ina sa atin ng atin ng maykapal. Ang sakripisyo ng isang ina ay hindi kayang suklian nating mga anak. Magmula sa ating pagsilang hanggang sa huling sandali ng kanilang buhay, kapakanan at kabutihan ang tanging hangad sa kanyang pamilya. Inuuna ang pamilya bago ang sarili nila.

Maaring iba-iba man ang pamamaraan ng pagpapakita ng kanilang pagdedesiplina o pagtataguyod sa kanilang pamilya, hindi man natin sila madalas na nasusunod at naiintindihan ngunit pare-parehas sila na ang hangad ay ang makabubuti para sa kanilang pamilya.

*Kaya't pahalagahan at mahalin natin ang ating mga ina, tumatayong ina at nagpapakaina sa atin. Hindi natin sila kayang palitan dito sa mundo. Kaya't habangbuhay natin silang mahalin at alagaan atulad ng ginawa nila sa atin ng tayo ay musmo pa lamang.

#GodBlessUs😇❤

#day129 ❤

#toGodbetheglory

#happymothersday ❤

#motherloveisforever 

*ps:Happy Mothers day sa lahat ng mga dakilang ilaw ng tahanan. Mga ina, tumatayong ina at mga nagpapakaina, sa inyo po ang araw na ito. Pagpalain po kayo ng ating Panginoong Hesus. 

Lalo't higit sa aking ina Evelyn Gonzales Batralo love you always-mother dear! Thank you sa lahat lahat. I'm forever grateful because you are my mother. God bless you 😇❤😘🎉


====================================

Day 130

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Ang nakikinig sa payo ay nasa daan ng buhay, ngunit ang ayaw sumunod ay tungo sa pagkaligaw. 

Mga Kawikaan 10:17 MBB05



English:

Whoever heeds discipline shows the way to life,

but whoever ignores correction leads others astray.

Proverbs 10:17 NIV






*******

Ang pakikinig ng payo ay katangiang nagpapatunay ng isang taong marangal at matalino. Lahat tayo ay nagsisimula sa walang kaalaman, ang tangi lamang paraan upang tayo ay lumago sa buhay, iyon ay makinig, matuto, at sumunod. Ang ilan ay hindi umuusad sapagkat ang pag-iisip na parang bata sa mga pamamaraan ng pang-unawa sa karunungan, habang ang iba naman ay mabilis na lumago sa kaalaman at pag-unawa sapagkat kanilang pinagyayabo ang mga payo na daan ng karunungan.

Kung hindi natin ibababa ang ating mga sarili upang sundin ang sarili nating kalooban o kaunawaan mapipilitan tayong alamin o aralin ang buhay sa mahirap na paraan, ng masakit na pagdurusa at gulo sa ating buhay. Ngunit mas mainam na kung tayo ay susunod sa payo, lalo't higit sa payo at aral ng ating Panginoon. Sapagkat sa ating Panginoon ay may katiyakan tayong tinataglay, tungo sa buhay na inaasam.

#GodBlessUs😇❤

#day130 ❤

#toGodbetheglory

#keepUsSafe

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now