Day 349 & 350

34 1 0
                                    

Day 349

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Mga kapatid, huwag kayong magsiraan sa isa't isa. Ang namimintas o humahatol sa kanyang kapatid ay namimintas at humahatol sa Kautusan. At kung hinahatulan mo ang Kautusan, hindi ka na tagasunod ng Kautusan kundi isang hukom nito. 

Santiago 4:11 MBB05



English:

Brothers and sisters, do not slander one another. Anyone who speaks against a brother or sister or judges them speaks against the law and judges it. When you judge the law, you are not keeping it, but sitting in judgment on it.

James 4:11 NIV





*************

Respeto at pagmamahalan sa isa't-isa ang pinakamahalaga na kailangan nating gawing mga tao sa ating kapwa ito ang ninanais ng Diyos na ating maunawaan. Hindi kinalulugdan ng ating Panginoon ang pagsisiraan sa ating kapwa, pamimintas at paghahatol sa kanilang mga gawa. 

Wala miski isa sa atin ang may karapatan na humusga sa ating kapwa sapagkat ang paghusga ay paghusga sa kasulatan at ito ang ating nahuhusgahan hindi ang kapwa lalo't higit kung tayo na mga naniniwala at sumusunod sa kautusan ng ating Panginoon.

Pagsuway sa banal na kautusan ang paglalagay sa ating kamay ng pamimintas, paghahatol at paghusga sa ating kapwa. Kung literal man tayo na tagapagsagawa ng batas at paghahatol ay maging hanggang tagapagsagawa lamang. Huwag tayong maging boluntaryo sa paghusga sa ating kapwa.

Tanging ang Panginoon lamang ang may kakayahan na humatol sa bawat isa sa atin mabuti man o masama ang ginagawa nating mga tao. Kaya't mabuti man o masama ang nakikita natin sa buhay ng isang tao hayaan natin na ang Panginoon na ang bahala sa kanyang buhay.

Ating pagtuunan ng pansin ang ating buhay kaysa pintasan, hatulan at husgahan ang ating kapwa. Baka hindi natin nalalaman na mas higit pala tayo sa mga pinipintasan, hinuhustagan at hinagatulan natin. Ating pakatatandaan na ang lahat ng ito ay ating pananagutan at ipagsuaulit sa ating Panginoong Diyos.

#GodBlessUs😇❤

#day349 ❤

#thankyouLord 🙏

#toGodbetheglory

#KeepUsSafeAlwaysLord


============================================


Day 350

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Kaya, huwag na huwag ninyong iisipin na ang kayamanan ninyo'y bunga ng sariling lakas at kakayahan. Subalit alalahanin ninyong si Yahweh na inyong Diyos ang nagbibigay sa inyo ng lakas upang yumaman kayo. Ginagawa niya ito bilang pagtupad niya sa kanyang pangako sa inyong mga ninuno. 

Deuteronomio 8:17‭-‬18 MBB05





English:

17 You may say to yourself, "My power and the strength of my hands have produced this wealth for me." 18 But remember the Lord your God, for it is he who gives you the ability to produce wealth, and so confirms his covenant, which he swore to your ancestors, as it is today.

Deuteronomy 8:17-18 NIV




**************

Ating alalahanin at pakakatandaan na lahat ng ating mga tinatamasa kaunti man ito o maraming kayamanan ay kaloob sa atin ng Diyos. Ayon sa kaloob Niyang kalakasan at kakayahan natin sa buhay. Kaya' wala miski isa sa atin ang makapagmamalaki na nagawa niya ang lahat ayon sa sarili lamang niyang kalakasan at kakayahan.

Bagkus ay ating ipagpasalamat sa Panginoon ang lahat ng mga tinatamasang kayamanan na kaloob Niya at matutong magbigay sa mga nangangailangan. Upang sagayon ay mas lalo Niya pa ikaw na pagpapalain at pasasaganain ang kayamang kaloob Niya.

#GodBlessUs😇❤

#day350 ❤

#thankyouLord 🙏

#toGodbetheglory

#keepussafealways

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now