Day 257 & 258

27 2 0
                                    

Day 257

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Ngunit kapag mananalangin ka, pumasok ka sa iyong silid at isara mo ang pinto. Saka ka manalangin sa iyong Ama na hindi mo nakikita, at ang iyong Ama na nakakakita ng ginagawa mo sa lihim ang siyang magbibigay sa iyo ng gantimpala. 

Mateo 6:6 MBB05



English:

But when you pray, go into your room, close the door and pray to your Father, who is unseen. Then your Father, who sees what is done in secret, will reward you.

Matthew 6:6 NIV




********

Ang pananalangin ay koneksyon natin sa ating Panginoon upang makausap natin Siya at maidalangin ang lahat ng ating mga hinaing. Ang pusong sa Kanya'y nagtatapat, palagiang kinakausap ang ating Panginoon sa pamamagitan ng ating mga pananalanging mataimtim. 

Maaring hindi sa paraang gusto natin kundi sa paraan ng Panginoon na mas nakakaalam ng ating mga ikabubuti. Ang mga lihim nating gawa mabuti man o masama ay may karampatang gagantimpalaan o parusa ng Panginoon ayon sa Kanyang tapat at patas na paghatol.

Sapagkat ang panalangin ay isa sa pinakamabisang sandata natin sa buhay, maging sa panahon man ng kahirapan, o kaligayahan, sa pagsubok o katagumpayan man. Sa pamamagitan nito ang Panginoon ay nakikinig at Kanyang sinisiyasat ang mga nilalaman ng ating puso. Napakabuti at napakadakila ng Panginoon, minamahal Niya tayo ng lubusan at patas Siya sa gantimapala o parusang ipagkakaloob Niya sa atin.

Kaya't buong pagtitiwala at pagdakila ang igawad natin sa ating Panginoon sapagkat ito ang lubos na nararapat para sa Kanya. Ugaliin at panatilihin natin ang ating koneksyon sa ating Panginoon sa pamamagitan ng mga panalangin sapagkat walang mga panalangin ang hindi Niya tinutugon. Maaring oo, hindi at maghintay ayon sa Kanyang kalooban ngunit ang pagtugon Niya ay para sa ating mga ikabubuti at hindi sa ating ikapapahamak. Hindi Niya tayo kailanman pababayaan magtiwala at manangan lamang tayo sa Kanya ng buong puso't lubusan. 

#GodBlessUs😇❤

#day257 ❤

#toGodbetheglory

#keepussafealways


======================================


Day 258

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Ngayon, malaya na ba tayong magkasala dahil hindi na tayo saklaw ng kautusan kundi ng kagandahang-loob ng Diyos? Hinding-hindi! 

Mga Taga-Roma 6:15 MBB05



English:

Well then, since God's grace has set us free from the law, does that mean we can go on sinning? Of course not!

Romans 6:15 NIV




*********

Hindi ibig sabihin na pinalaya na tayo ng ating Panginoon sa ating mga kasalanan ay malaya na tayo upang muling gumawa ng mga kasalanan. Tayo ay kasama pa rin sa mga hahatulan Niya ayon sa ating mga gawa, maging lihim man ito o hayag.

Kaya't mamuhay tayo ayon sa kalooban ng ating Panginoon. Patuloy tayong magtapat at sumunod sa lahat ng Kanyang mga ipinag-iuutos. Ang mga salita at aral Niya sa atin ay tungo sa kaligtasan at hindi sa ating mga ikapapahamak.

#GodBlessUs😇❤ 

#day258 ❤

#toGodbetheglory

#keepussafealways

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now