Day 313 & 314

25 0 0
                                    

Day 313

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Ang salita ng Diyos ay buháy at mabisa, mas matalas kaysa alinmang tabak na sa magkabila'y may talim. Ito'y tumatagos maging sa kaibuturan ng kaluluwa at espiritu, ng mga kasukasuan at buto, at nakakaalam ng mga iniisip at binabalak ng tao. 

Mga Hebreo 4:12 MBB05



English:

For the word of God is alive and active. Sharper than any double-edged sword, it penetrates even to dividing soul and spirit, joints and marrow; it judges the thoughts and attitudes of the heart.

Hebrews 4:12 NIV


************

Ang salita ng ating Panginoon ay tunay ngang bukal ng buhay. Ang salita Niya ay puno ng pangaral at mga dapat nating isapamuhay. Kung tayo man ay natatamaan ng Kanyang salita magakalak ka kapatid sapagkat minamahal ka ng lubusan ng Panginoon. Ninanais Niya na mabuksan ang ating puso't isipan upang ituwid ang ating buhay at mamuhay ng naayon sa Kanyang mayayamang salita.

Huwag tayong masasaktan ni magdaramdam man sa Panginoon kung tayo ay natatamaan sa Kanyang mga salita sapagkat ninanais lamang Niyang tayo'y ituwid ng landas. Sahalip ay maging gabay at patnubay natin ang Kanyang mayayamamg salita.

Ating sundin ang Kanyang kalooban basahin at unawin ang Kanyang banal na kasulatan (bible) sapagkat hindi tayo nito maililigaw ni malilinlang sa mga katuruan na nagtuturo nito.Mauunawaan natin ang kaligtasan na kaloob ng Diyos sa bawat isa sa atin sa pamamagitan ng pananampalatay at pagtanggap sa ating Panginoong Hesus bilang isang Diyos at tagapagligtas. 

#GodBlessUs😇❤

#day313 ❤

#toGodbetheglory

#keepussafealways


=========================================


Day 314

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

"Huwag kayong mag-impok ng mga kayamanan dito sa lupa; dito'y may naninirang insekto at kalawang, at may nakakapasok na magnanakaw. Sa halip, mag-impok kayo ng kayamanan sa langit; doo'y walang naninirang insekto at kalawang, at walang nakakapasok na magnanakaw. 

Mateo 6:19‭-‬20 MBB05



English:

"Do not store up for yourselves treasures on earth, where moths and vermin destroy, and where thieves break in and steal. 20 But store up for yourselves treasures in heaven, where moths and vermin do not destroy, and where thieves do not break in and steal.

Matthew 6: 19-20




**********

Sa panahon ngayon hindi na uso ang payamanan ang uso ay pasayahan sa buhay. - Angeline QuintoAng pera ay kailangan natin sa pang-araw-araw nating pangangailangan ngunit hindi nangangahulugan na marapat na natin itong sambahin o iprioridad sa ating buhay. Sapagkat ang lahat ng ito ay hindi natin madadala kapag tayo ay nawala na sa mundong ito.

Ang anumang nakikita natin sa mundong ito ay panandilaan lamang darating at darating ang panahon na lilisanin din natin ang mundong ito. Sa lahat ng pagpapagal at paghihirap natin ay magkakaroon ba ng gantimpala na mula sa langit? 

Kung paanong tayo'y walang dala nang isilang dito sa daigdig, wala rin tayong madadala pagpanaw natin. Wala tayong madadalang anuman sa ating pinagpaguran 

- Mangangaral 5:15

 Makamit man natin ang kayamanan ng mundong ito sa huli may kayapaan ba ang ating isipan? Makakatulog ba tayo ng maayos kung paano natin maiingatan ang kayamanan natin sa lupa upang hindi manakaw? Sapagkat sa mundong ito ay puno ng masama at mga magnanakaw na maari pang nakawin ang kayamang ating inimpok.

Hindi naman masama na magkaroon ng pera lalo't ito'y ating pinaghirapan ngunit dapat ay matuto lamang tayo kung paanong mas higit na mag-impok tayo sa kayamang makalangit sapagkat doon ay may katiyakan tayo na magkakaroon ng kayamang hindi nasisira ni nanakaw ng magnanakaw man.

#GodBlessUs😇❤

#day314 ❤

#toGodbetheglory

#keepussafealways

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now