Day 53 & 54

78 5 0
                                    

Day 53

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Ngunit sinabi sa kanya ni Yahweh, "Huwag mong tingnan ang kanyang taas at kakisigan sapagkat hindi siya ang pinili ko. Si Yahweh'y hindi tumitingin nang katulad ng pagtingin ng tao. Panlabas na anyo ang tinitingnan ng tao ngunit sa puso tumitingin si Yahweh." 

1 Samuel 16:7 MBB05 




English:

But the Lord said to Samuel, "Don't judge by his appearance or height, for I have rejected him. The Lord doesn't see things the way you see them. People judge by outward appearance, but the Lord looks at the heart."

1 Samuel 16:7 NLT



 ***** 

 Ang pagtingin ng Panginoon ay hindi kagaya ng pagtingin nating mga tao na kadalasan ay ang panlabas na katangian ang ating tinitingnan. Ngunit tanging ang ating Panginoong Diyos lamang ang Siyang tumitingin sa puso ng isang tao, sapagkat batid Niya ang nilalaman ng puso nating lahat. 

Nababasa Niya ang mga nilalaman ng ating puso, gayundin ang ating mga pag-uugali at mga hangarin.Lahat ay batid Niya. Sapagkat ang panlabas na anyo ay mapanlinlang at nakapandaraya sa ating paningin. 

Kaya't ang pagpili ng Panginoon ay ang pagpili ng nilalaman ng puso. Kaya't bilang mga anak Niya na mga nagtitiwala sa Kanya, tayo ay Kanyang nilinis at binago. Ang dumadaloy na sa atin ay ang bagong buhay, magmula ng tanggapin natin ang ating Panginoong Hesu-Kristo. 

 Huwag tayong maghangad ng kaluguran na pagkilala mula sa kapwa tao kundi gawin natin ng buong puso ang maging kalugod-lugod sa Kanyang banal na harapan. Sapagkat masusumpungan natin ang kaligayahan sa ating puso kung tayo ay pipiliin ng ating Panginoon. 

 #GodBlessUs😇❤ #day53 ❤#toGodbetheglory #keepUsSafe

===========================


Day 54

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Huwag ninyong paghigantihan ang gumawa sa inyo ng masama; sa halip, magpatuloy kayo sa paggawa ng mabuti sa isa't isa at sa lahat.

 1 Mga Taga-Tesalonica 5:15 MBB05 



English:

"See that no one pays back evil for evil, but always try to do good to each other and to all people."

1 Thessalonians 5:15 NLT


 ******* 

 Ang paghihiganti ay walang magandang maidudulot sa atin. Sa halip kapahamakan ang dulot ng paghihiganti. Hindi natin hawak o kontrolado ang ugali ng bawat isa sa atin. 

Kaya hindi natin masasabi na walang tao o sinuman ang walang makakagawa sa atin ng masama. Isang tabi na natin ang paggawa ng masama o paghihiganti bagkus ang kabutihan at pagpapatawad pa rin ang mamayani sa atin.

 Ipagkatiwala natin sa Panginoon ang lahat dahil Siya na ang bahalang magparusa sa mga taong nakagawa sa atin ng masama. 

 Magpatuloy tayo sa paggawa ng mabuti sa ating kapwa dahil ang Diyos na Siyang nakakaalam ng lahat ang Siyang maggagantimpala o magpaparusa ayon sa ating mga nagawa sa ating kapwa.

 #GodBlessUs😇❤ #day54 ❤#toGodbetheglory #keepUsSafe

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now