Day 327 & 328

35 0 0
                                    

Day 327

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Akong si Yahweh ang sumisiyasat sa isip at sumasaliksik sa puso ng mga tao. Ginagantimpalaan ko ang bawat isa ayon sa kanyang pamumuhay, at ginagantimpalaan ayon sa kanyang ginagawa." 

Jeremias 17:10 MBB05




English:

"I the Lord search the heart
and examine the mind,
to reward each person according to their conduct,
according to what their deeds deserve."

Jeremiah 17:10 NIV




**********

Tanging ang Panginoon lamang ang may kakayahan na makaalam ng lahat ng mga nilalaman ng ating puso't-isipan. Batid Niya at nasisiyasat Niya ang lahat ng ating mga gawa, mga iniisip at mga binabalak. Nalalaman Niya kung tunay at totoo ang lahat ng ating mga sinasabi at mga ipinapakita sa ating kapwa. 

Kanya tayong gagantimpalaan ayon sa ating mga gawa. Mabuti man o masama ay may karampatang pagpapala ayon sa ating mga gawa. Maliit man o malaki ay gagantimpalaan ayon sa ating pamumuhay at mga ginawa, maging ito man ay lihim o hayag sa harap ng ating kapwa. 

#GodBlessUs😇❤

#day327 ❤

#toGodbetheglory

#keepussafealways


======================================


Day 328

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Sapagkat namumuhay tayo batay sa pananampalataya sa Panginoon at hindi sa mga bagay na nakikita. 

2 Mga Taga-Corinto 5:7 MBB05



English:

For we live by faith, not by sight.

2 Corinthians 5:7 NIV





*********

Ang mga nakipag-isa na sa ating Panginoong Hesus ay ating nalalaman na ang pinanampalatayanan natin ay ang Panginoon na palaging nandyan para sa atin kahit hindi natin Siya nakikita. Sa panahon nila apostol Paul kung saan ay naranasan nila ang iba't-ibang hirap at pasakit bilang mga tagapaghatid ng salita ng Diyos hindi sila nabagabag bagkus ay buong pagtitiwala ang ipinakita nila. 

Hindi sila huminto, bagkus ay namumuhay sila nang may buong tapang dahil naniniwala sila na pagkatapos nilang mamatay, bubuhayin silang muli gaya ni Kristo. Tatanggap sila ng kaluwalhatian at walang hanggang katawan kung saan sila ay magiging ganap na malaya sa lahat ng pasanin at daing na nararanasan ng bawat buhay na bagay sa lupa. 

Kaya't pagtiwalaan natin ang Panginoong Hesus natin ng buong puso, hindi man natin Siya nakikita ngunit sa Kanya ay makatitiyak tayo na hindi Niya tayo pababayaan. Gagabayan at iingatan Niya tayo, ang pagkilos ng Diyos sa buhay natin ay tunay ngang nakakamangha at hindi kayang ipaliwanag sa atin ng tao. 

#GodBlessUs😇❤

#day328 ❤

#thankyouLord

#toGodbetheglory

#keepussafealways

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now