Day 251 & 252

29 2 0
                                    

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

"Ang lahat ng salita ng Diyos ay mapananaligan at siya ang kanlungan ng mga nananalig sa kanya. 

Mga Kawikaan 30:5 MBB05




English:

"Every word of God is flawless;

he is a shield to those who take refuge in him.

Proverbs 30:5 NIV




*********

Ang mga salita ng Diyos ay mapanghahawakan nating tunay. Kung may mga tanong tayo sa buhay na hindi natin mahanapan ng kasagutan, buksan at basahin natin ang bibliya upang masumpungan natin ang mga kasagutang ating hinahanap. Mula noon hanggang ngayon ang Panginoon ay hindi nagbabago. Magbago at magpalit man ng henerasyon ang mga salita ng Diyos ay hindi nagmamaliw.

Mapananaligan natin at mapanghahawakan ang mga salita Niya. Mainam na kanlungan sa panahon ng pagkabagabag. Binibigyan ng pagkaunawa ang mga nagbabasa at umuunawa ng banal na salita ng Diyos. Mas lumalawak ang pananaw sa buhay at naghahari ang kapayapaan sa puso't isipan. Nagkakaroon ng malalalim na kaunawaan sa kung ano ang mabuti at kung ano ang masama.

Nasa iba't-iba man tayo ng klase ng antas ng pamumuhay ngunit Siya ay patas na humahatol sa bawat isa sa atin, ayon sa ating mga gawa. Kaya't ating buksan at basahin ang banal na bibliya at sa pamamagitan nito ating nakakausap ang Panginoon at binibigyan tayo ng kasagutan sa mga dapat nating gawin. Kaya't manalig tayo at magtiwala ng buong puso sa ating Panginoon at maging gabay natin sa ating buhay ang Kanyang mayayamang salita.

#GodBlessUs😇❤

#day251 ❤

#toGodbetheglory

#keepussafealways


====================================


Day 252

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Ipagtatanggol kayo ni Yahweh, pumanatag lamang kayo."

Exodo 14:14 MBB05




English:

The Lord will fight for you; you need only to be still."

Exodus 14:14 NIV




*********

Minsan mahirap sa atin ang pagtiwalaan ng lubos ang Diyos. Sa panahon ng pagsubok pinagdududahan natin ang kakayanan Niya. Madalas pa nga ay sinisisi natin ang Diyos sa mga nangyayari sa ating buhay. Makaranas lamang ng kaunting problema o pagsubok agad na nanghihina sa pananampalataya o minsan pa ay nawawalan ng pag-asa.

Ganunpaman ay sinabi ni Moises nung panahon ng pagtakas ng mga Israelita mula sa mga egipcio, "Ipagtatanggol kayo ni Yahweh, pumanatag lamang kayo." Kaya't tulad ng paalala ni Moises sa mga Israelita gayundin naman tayo sa panahon ngayon. Inililigtas Niya tayo mula sa kapahamakan at dinadala Niya tayo sa tiyak na kaligtasan.

Sumuong man tayo sa iba't-ibang hamon ng buhay, huwag tayong maghinawa sa pananalig at pagtitiwala sa ating Paninoong Diyos na buhay. Sapagkat ang kalooban Niya sa ating buhay ay upang sa ating mga ikabubuti at ikatatag. Huwag tayong mangamba at pagkatiwalaan Siyang lubos sapagkat Siya ang tunay na nakakakaalam ng pinakamabuti para sa ating buhay. 

#GodBlessUs😇❤

#day252 ❤

#toGodbetheglory

#keepussafealways

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now