Day 273 & 274

36 0 0
                                    

Day 273

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Panginoon naming Diyos, kami sana'y pagpalain, magtagumpay nawa kami sa anumang aming gawin! Magtagumpay nawa kami! 

Mga Awit 90:17 MBB05



English:

And may the Lord our God show us his approval

and make our efforts successful.

Yes, make our efforts successful!

Psalms 90:17 NLT




*********

Tayong mga tao ang madalas na nagpapasya o gumagawa ng mga hakbang at gawain ayon sa ating sariling kagustuhan ngunit ang Diyos pa rin ang Siyang magpapasya para dito. Wala sinuman sa atin ang makapagsasabi sa maaring mangyari sa kinabukasan, tanging ang Diyos lamang ang makapagtatakda ng ninanais Niya sa araw ng ating bukas.

Kalooban Niya ang Siyang patuloy na nasusunod hindi ang ating mga sariling kagustuhan. Kaya't anumang ating balakin ay sa ating Panginoong Diyos isangguni. Ipagkatiwala sa Kanya ang lahat ng ating mga naising gawin upang sagayon tayo ay makamiy ang katagumpayan. 

Nakikita at nasisiyasat ng Panginoon ang mga nilalaman ng ating puso kung ito alba ay sa ikabubuti natin o ikasasama. Kaya't anumang ating gawin ay sa Panginoon lamang tayo lubos na magtiwala. Hindi Niya tayo pababayaan at may katiyakang katagumpayan sa anuman ang ating mga gagawin ayon sa Kanyang kalooban.

#GodBlessUs😇❤

#day273 ❤

#toGodbetheglory

#keepussafealways


====================================


Day 274

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Dahil dito, palakasin ninyo ang loob ng bawat isa at magtulungan kayo tulad ng ginagawa ninyo ngayon. 

1 Mga Taga-Tesalonica 5:11 MBB05




English:

Therefore encourage one another and build each other up, just as in fact you are doing.

1 Thessalonians 5:11




**********

Nakakagalak ng puso kung tayo ay nagpapalakasan ng loob at nagtutulungan. Magaan sa loob at walang inggitang namumutawi. Nagdadamayan sa panahon ng pagsubok at nagtutulungan sa panahon ng pagkabagabag.

Kaya't bilang mga magkakapatid kay Cristo nawa ay magkaroon tayo ng pagpapalakasan ng loob sa panahon na kailangan ng ating kapatid, maging ang pagtulong sa panahon na kanilang kagipitan.

Ang panalangin ay isa sa malaking tulong na maari nating ibigay para sa kapatid natin na nangangailangan ng kahit na anumang tulong. Kaya't maghari nawa ng kalooban ng Diyos sa buhay ng bawat isa upang makapamuhay tayo ng may pagdadamayan at pagtulong sa bawat isa na nangangailangan.

#GodBlessUs😇❤

#day274 ❤

#toGodbetheglory

#keepussafealways

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now