Day 223 & 224

28 2 0
                                    

Day 223

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Damdam ko ba sa sarili, naghahari'y pawang lungkot; sang-ayon sa pangako mo, palakasin akong lubos. 

Mga Awit 119:28 MBB05





English:

My soul is weary with sorrow;

strengthen me according to your word.

Psalm 119:28 NIV




******** 

 Hindi natin maiiwasan na makaramdam tayo ng kalungkutan sapagkat ito ay kasama na sa mga hamon ng buhay. Kadalasan ang pawang kalungkutan ay nagpaparamdam sa atin ng kakulangan sa maraming mga bagay at kadahilanan na siyang bumabalot sa ating mga sarili upang tuluyang maalipin ng kalungkutan. Iba't-iba man ang ating mga kadahilanan ng ating kalungkutang nadarama ngunit ang lahat ng ito ay panandaliaan lamang, kung sa ating Panginoong Diyos lamang natin hahanapin ang tunay na kaligayahan.

Sapagkat mga pangako ng Diyos ay tapat at totoo. Kanyang pagkakalooban ng lakas upang mapagtagumpayan ang mga kalungkutang bumabalot sa ating sarili. Ipadarama Niya sa atin na hindi tayo nag-iisa at ang kaligayahang kaloob Niya ay kaligayahang hindi kayang ibigay ng mundong ito. May kapayapaan at kapanatagan sa ating puso na hindi Niya tayo pababayaan at Kanyang aaliwin ang ating puso upang magalak tayong lubos. Upang sa gayon ay madama natin na ang Kanyang mayayamang pangako ay natutupad sa ating buhay. Pag-ibig at kalinga ng Diyos ay di magmamaliw kailanman.

#GodBlessUs😇❤

#day223 ❤

#toGodbetheglory

#keepussafealways


=================================


Day 224

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Mabuti ang gawi't masama'y layuan pagsikapang kamtin ang kapayapaan. 

Mga Awit 34:14 MBB05 



English:

Turn from evil and do good;

seek peace and pursue it.

Psalm 34:14 NIV





 ******** 

 Sa panahon ngayon na walang katiyakang bukas, mas mainam na mamuhunan tayo sa paggawa ng kabutihan. Mas pagtuunang pansin ang pagsisikap na makagawa ng kabutihan at mas pagsikapang kapayapaan ang maghari sa ating buhay. Mas masarap ang mabuhay ng walang inaapakan o inaagrabyado sa buhay. Lubos ang kagalakan ng ating Panginoon kung kabutihan ang siyanv mamayani sa ating buhay. Pagpapalain Niya at sasaKanyang palagi ang ating Panginoon. Darating din naman ang panahon at aanihin din natin ang pamumuhunan natin ng kabutihan. 

#GodBlessUs😇❤

#day224 ❤

#toGodbetheglory

#keepussafealways

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now