Day 35 & 36

81 3 0
                                    

Day 35

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Kay Yahweh ka magtiwala, buong puso at lubusan, at huwag kang mananangan sa sariling karunungan. Sa lahat ng iyong gawain siya nga'y alalahanin, upang ika'y patnubayan sa iyong mga tatahakin. 

Mga Kawikaan 3:5‭-‬6 MBB05


English:

5 Trust in the Lord with all your heart

and lean not on your own understanding;



6 in all your ways submit to him,and he will make your paths straight.


Proverbs 3:5-6 NIV




******


Sa lahat ng ating mga pinaplano o inaasam na mangyari sa ating buhay palagi natin itong ilapit at idulog sa ating Panginoon. Huwag nating ipagmalaki ang sarili nating karunungan sapagkat hindi lahat ay ating nalalaman dahil tanging ang ating Panginoon lamang ang Siyang nakakaalam ng lahat. 

 Bagkus ay ipagkatiwala natin sa ating Panginoon ang lahat lahat at buong pusong ilagak sa Kanya ang ating pagtitiwala. Upang sa gayon ay patuloy Niya tayong patnubayan sa lahat ng ating mga tahakin dahil hindi Niya tayo kailanman pababayaan. 

#GodBlessUs😇❤ #day35 #toGodbetheglory #KeepUsSafe


=========================


Day 36

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Ako ay umasa, sa iyo nagtiwala, sa pagsapit ng umaga ay ipagugunita yaong pag-ibig mo na lubhang dakila. Ang aking dalangin na sa iyo'y hibik, patnubayan ako sa daang matuwid. 

Mga Awit 143:8 MBB05




English:

Let me hear of your unfailing love each morning,
for I am trusting you.
Show me where to walk,
for I give myself to you.

Psalms 143:8 NIV



 ****** 

 Sa bawat pagsapit ng umaga ay kaakibat ang bagong pag-asa. Pag-asang ating masusumpungan kung tayo ay buong pusong magtitiwala sa ating Panginoon. Ating madarama ang Kanyang pag-ibig sa bawat isa sa atin. 

 Kaya't kung sisimulan natin ang panibagong araw na kasama ang ating Panginoon, tayo ay Kanyang papatnubayan sa tamang daan na dapat nating patunguhan. Kaya't simulan natin ang araw ng pagpapasakop ayon sa Kanyang kalooban. 

 #GodBlessUs😇❤ #day36 #toGodbetheglory #KeepUsSafe

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now