Day 153 & 154

34 2 0
                                    

Day 153

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Walang kasamang takot ang pag-ibig at pinapawi ng ganap na pag-ibig ang anumang pagkatakot. Hindi pa ganap ang pag-ibig ng sinumang natatakot, sapagkat ang takot ay kaugnay ng parusa. 

1 Juan 4:18 MBB05





English:

There is no fear in love. But perfect love drives out fear because fear has to do with punishment. The one who fears is not made perfect in love.

1 John 4:18 NIV




******

Ang pag-ibig ang Siyang pumapawi ng lahat ng kasamaan sa mundo. Ang pag-ibig ang mag-aalis ng takot sa ating mga puso. Hindi magiging ganap ang pag-ibig kung may takot sa ating mga puso. Sapagkat ang takot ay nag-uugnay sa parusa.

Ang pag-ibig ng Diyos ang Siyang magandang maranasan nating mga nagtitiwala sa Kanya. Maibabahagi natin ito sa iba ng wapang takot na kaakibat. Ang relasyon natin sa Diyos ang Siyang nag-uugnay ng pag-ibig Niya sa atin. Binibigyan Niya ng kalakasan at seguridad.

Ang pag-ibig natin sa Diyos ang Siyang patunay ng pagtitiwala at pannampalataya natin sa Kanya. Sa pamamagitan ng pagsunod ng naayon sa Kanyang kalooban ay makakamit natin ang biyayang walang hanggan na kaloob ng Diyos sa ating mga tunay at tapat na nagmamahal sa Kanya.

Kung ang takot ay umiiral sa ating puso hindi pa sapat ang pag-ibig natin sa Kanya. Sapagkat wala pa ang lubos na pagtitiwala at pananampalataya natin sa Kanya. Bagamat't tayo ay nasa katawang lupa ay sikapin natin na buong puso nating maipakita ang pag-ibig natin sa Kanya at buong pusong panaligan at pagkatiwalaan Siya.

#GodBlessUs😇❤

#day153 ❤

#toGodbetheglory

#keepUsSafe


================================


Day 154

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Magtiwala kayo kay Yahweh magpakailanman, sapagkat ang Diyos na si Yahweh ang walang hanggang kublihan.

Isaias 26:4 MBB05




English:

Trust in the Lord always,

for the Lord God is the eternal Rock.

Isaiah 26:4 NLT



******

Napakasarap sa pakiramdan ang magtiwala sa ating Panginoon. Dumaan man tayo sa mga pagsubok ng buhay, mga di inaasahang pangyayari at mga pagkakataon na nalulugmok na tayo, mga panahong sa tingin natin ay wala na tayong makapitan. Bakit hindi natin pagkatiwalaan ang ating Panginoon? Sa Kanya ay makakaasang mayroon tayong makakapitan.

Higit na mapanghahawakan ang mga mayayamang salita ng Diyos kaysa mga pangakong binibitawan ng tao. Nagbabago ang isipan ng tao, may mga pagkakataon na ang masama ay maaring maging mabuti at may mga mabubuti na nagiging masama. Hindi natin pwedeng panaligan ang pangako ng tao ngunit ang Diyos na buhay at makapangyarihan sa lahat mula noon hanggang ngayon ay tapat at hindi nagbabago.

Matibay na kublian na mag-iingat at maggagabay sa ating buhay. Hindi Niya pagkukulangin, ni pababayaan man ang mga taong sa Kanya lamang lubos na nagmamahal, nagtatapat at nagtitiwala sa Kanya.

#GodBlessUs😇❤

#day154 ❤

#toGodbetheglory

#keepUsSafe

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now