Day 201 & 202

27 1 0
                                    

Day 201

Tagalog:

Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.

Tagalog:

Ang aking dalangi'y dininig ng Diyos, inalis niya sa akin ang lahat kong takot.

Mga Awit 34:4 MBB05




English:

I sought the Lord, and he answered me;

he delivered me from all my fears.

Psalm 34:4 NIV




******

Nalalaman ng Diyos ang lahat sa atin. Naririnig Niya ang mga dalangin at hinagpis sa ating puso. Kaya't Kanya tayong bibigyan ng kaaliwan at kapayapaan sa ating puso. Ang mga takot at agam-agam sa ating puso ay Kanyang papawiin. Kaya't ating isuko ang ating buhay sa Kanya at pagkatiwalaang Siyang lubos. Siya ay laging tumutugon sa ating mga panalangin, sa pamamaraang mas nakakabuti at higit na nakakatulong sa atin. Higit pa sa ating mga hinihiling at dinadalangin.

#GodBlessUs😇❤

#day201 ❤

#toGodbetheglory

#keepussafealways


====================================


Day 202

Day 202

Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.


Tagalog:

"Sinabi sa kanya ng panginoon, 'Magaling! Tapat at mabuting lingkod! Halika, makihati ka sa aking kagalakan. Naging tapat ka sa kaunting halaga, kaya gagawin kitang tagapamahala ng malaking halaga.' 

Mateo 25:21 MBB05




English:

"His master replied, 'Well done, good and faithful servant! You have been faithful with a few things; I will put you in charge of many things. Come and share your master's happiness!'

Matthew 25:21 NIV




*********

Maging tapat at mabuting lingkod tayo ng ating Panginoon. Maliit man o malaking halaga o pagpapala ay maging tapat tayo. Lubos na kinalulugdan ng Diyos ang mga taong tapat at mabuti. Tayo ay magkakamit ng gantimpala at pagpapala mula sa Kanya.

Sapagkat kung paano tayong pinagkatiwalaan sa maliit ay gayun niya rin tayo pagkakatiwalaan sa malaki. Ang Diyos ay magagalak at ang kasiyahan ng Diyos sa ating mga gawa ay ibabahagi sa atin. Kaya't magpatuloy tauo sa pagtatapat natin sa ating Panginoon, sa maliit man o malaking biyaya at pagpapala Niya na ipinagkakaloob sa atin.

#GodBlessUs😇❤

#day202 ❤

#keepussafealways

#toGodbetheglory

365 Days || Bible Verses (2021)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang