Day 83 & 84

49 2 0
                                    

Day 83

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Ang pananampalataya ay pagtitiwala na mangyayari ang ating mga inaasahan, at katiyakan tungkol sa mga bagay na hindi nakikita. 

Mga Hebreo 11:1 MBB05



English:

Now faith is confidence in what we hope for and assurance about what we do not see.

Hebrews 11:1 NIV



*****

Ang pagtitiwala natin sa Diyos ang nagpapatibay sa ating pananampalataya sa Kanya. Bagama't hindi natin Siya nakikita ngunit lubos pa rin ang pananalig natin sa Kanya. Sapagkat ito ay kakupyansahan natin na mapanghahawakan na mga katugunan sa mga salita at pangako ng Diyos sa bawat isa sa atin.

Ito ang pananampalatayang tumatanggap ng walang pag-aalinlangan at pagduda sa mga salita ng Diyos, ito ay katotohanan at maasahan lubos. Sa Panginoon ay di tayo matitinag, ni mag-aagam-agam man sapagkat sa pamamagitan ng Kanyang mayayamang salita ay may pag-asa tayong makakamtan mula sa Kanya. Sapagkat ng totoong panampalataya ay hindi nakabatay sa ating mga karanasan sahalip ay sa katotohanang nakapaloob sa banal na kasulatan.

#GodBlessUs😇❤

#day83❤

#toGodbetheglory

#keepUsSafe


=============================


Day 84

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Ang Panginoong Yahweh ang sa aki'y nagpapalakas. Tulad ng usa, tiyak ang aking mga hakbang, inaalalayan niya ako sa mga kabundukan. 

Habakuk 3:19 MBB05



English:

The Sovereign Lord is my strength;

he makes my feet like the feet of a deer,

he enables me to tread on the heights.

Habakkuk 3:19 NIV




******

Ang Diyos ang Siyang magiging kalakasan natin sa mga panahon na tayo ay kumakaharap sa mahirap na sitwasyon ng ating buhay, kung atin Siyang pagtitiwalaan. Kung sa tingin natin na tayo lamang ang lumalaban sa mga pagsubok, tayo ay nagkakamali sapagkat ang Diyos ay kasakasama natin sa lahat ng oras.

Madalas ay nagtitiwala tayo sa ating sarili o sa mga tao sa ating paligid na sa tingin natin ay ito lamang ang makakatulong natin. Kaya't madalas nababalewala natin ang Diyos, kaya't patuloy tayong nahihirapan at nabibigatan sa mga pasanin natin sa buhay.

Ngunit kung sa ating Panginoong Diyos lamang natin ipagkakatiwala ang lahat at buong pusong manalig sa Kanya ay masusumpungan natin ang kalakasan na magpapalakas at magpapatibay sa atin upang malampasan natin ang mga pagsubok at kahirapan sa ating buhay. Sapagkat ang mga pangako Niya ang Siyang pinakamatibay na ating mapanghahawakan. Walang hindi kayang gawin sa buhay natin ang Panginoong Diyos na makapangyarihan sa lahat.

#GodBlessUs😇❤

#day84 ❤

#toGodbetheglory

#keepUsSafe

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now