Day 269 & 270

27 0 0
                                    

Day 269

Tagalog:

Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.

Tagalog:

Ito naman ang sagot ni Job kay Yahweh: "Alam kong ang lahat ng bagay ay kaya ninyong gawin, at walang makakapigil sa lahat ng inyong balakin. 

Job 42:1‭-‬2 MBB05




English:

42 Then Job replied to the Lord:

2 "I know that you can do all things;

no purpose of yours can be thwarted.

Job 42:1-2 NIV



*********

Ang Panginoong Diyos lamang ang may alam sa ating bukas. Tanging Siya lamang ay may kakayahaan na baguhin ang mundo. Lahat ng Kanyang mga balakin ay walang makapipigil. Walang imposible para sa ating Panginoon lahat ay kaya Niyang gawin. 

Sa piling Niya ang lahat ng mga mahihirap na bagay ay nagiging madali para sa Kanya. Dumaan man tayo sa tindi ng pagsubok hindi madadarang sapagkat kung sa Kanya'y lubos na nananangan at nagtitiwala ay mapagtatagumpayan. Anumang nararanasan nating hirap sa ngayon ay mapapawi pagdating ng panahon. 

Nais lamang ng Panginoon na tayo ay may matutunan sa buhay. Huwag Siyang sisihin ni sumbatan sapagkat ang lahat ng mga nangyayari ay kalooban Niya upang mapatunayan at maging patotoo sa ating buhay ang pagkilos Niya kung buong puso tayong magpapasakop sa Kanya gayundin ang pagkatiwalaan Siya ng lubusan.

#GodBlessUs😇❤

#day269 ❤

#toGodbetheglory 

#keepussafealways


=============================================

Day 270

Tagalog:

Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.

Tagalog:

Kaya nga, sino ka mang humahatol sa iba, wala kang maidadahilan. Sapagkat sa paghatol mo sa iba, hinahatulan mo rin ang iyong sarili, dahil ikaw na humahatol ay gumagawa rin ng ganoon. Nalalaman nating makatarungan ang hatol ng Diyos laban sa mga gumagawa ng mga iyon. Akala mo ba'y makakaiwas ka sa parusa ng Diyos kung hahatulan mo ang mga gumagawa ng masasamang gawaing ginagawa mo rin naman?


Mga Taga-Roma 2:1‭-‬3 MBB05




English:

You, therefore, have no excuse, you who pass judgment on someone else, for at whatever point you judge another, you are condemning yourself, because you who pass judgment do the same things. 2 Now we know that God's judgment against those who do such things is based on truth. 3 So when you, a mere human being, pass judgment on them and yet do the same things, do you think you will escape God's judgment?

Romans 2:1-3 NIV





***********



Likas na katangian nating mga tao ang paghusga sa ating kapwa. Madali lamang para sa atin ang hatulan sila ayon sa kanilang mga gawa, kilos at mga pananalita. Kahit na hindi natin lubusang nakikilala ang tunay na pagkatao ng isang tao, minsan nga ay nakikita pa lamang natin sa pisikal na pangangatawan o klase ng kanilang pamumuhay ay hinuhusgahan na agad natin.



Hindi natin naiintindihan ni nauunawaan na sa bawat paghatol at paghusga natin sa ating kapwa ay hinuhusgahan na rin natin ang ating mga sarili. Wala ni isa man sa atin ang husgahan ang ating kapwa, sapagkat ang bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang ipagsusulit sa Panginoon. Malaki man o maliit ay hahatulan tayo ng ating Panginoon. Siya lamang ang may karapatan na humatol sa ating mga kasalanan.

Walang maipagmamalaki ang bawat isa sa atin, lahat tayo ay pantay pantay sa harapan ng ating Panginoon. Walang mahirap o mayaman, maganda at pangit, gayundin ang tanyag at di tanyag. Patas ang paghatol ng Diyos sa bawat isa sa atin. Kung inaakala ninuman na hindi siya nagkasala ng tulad ng pagkakasala ng iba dinadaya natin ang ating mga sarili. Pananagutan natin sa Diyos ang paghatol natin sa ating kapwa, maging ito man ay lihim o hayag.

#GodBlessUs😇❤

#day270 ❤

#toGodbetheglory

#keepussafealways

365 Days || Bible Verses (2021)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang