Day 359 & 360

40 0 0
                                    

Day 359

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Sapagkat isinilang ang isang sanggol na lalaki para sa atin. Ibibigay sa kanya ang pamamahala; at siya ay tatawaging Kahanga-hangang Tagapayo, Makapangyarihang Diyos, Walang Hanggang Ama, Prinsipe ng Kapayapaan. 

Isaias 9:6 MBB05




English:

For to us a child is born,
to us a son is given,
and the government will be on his shoulders.
And he will be called
Wonderful Counselor, Mighty God,
Everlasting Father, Prince of Peace.

Isaiah 9:6 NIV




*****************

Ang pagsilang ng Panginoong Hesus sa mundong ito ay nagbigay sa atin ng pag-asa at kaligtasan sa ating mga kasalanan. Tunay ngang ang mga salita Niya ay kahanga-hangang tunay, mga aral at payo Niya ay bukal ng buhay.

Siya ang Diyos na makapangyarihan sa lahat, walang hanggang Ama na masasandalan sa lahat ng oras at Siya ang Prinsipe ng kapayapaan. Walang katulad ang pagmamahal Niya sa bawat isa sa atin kaya't ninanais Niya na lahat tayo ay maligtas.

Kaya't ating huwag kalilimutan ang dahilan ng pagsilang ng ating Panginoong Hesus dito sa mundong ito dahil sa Kanya ay natubos tayo sa ating mga kasalanan. Ang Panginoong Hesus ang pag-asa ng ating buhay maging dito man sa lupa at sa walang hanggan.

#GodBlessUs😇❤

#day359 ❤

#thankyouLord 🙏

#toGodbetheglory

#keepussafealways

#haveamerryChristmas🎄🎁❤

#truemeaningofchristmas

#Jesus❤


====================================


Day 360

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Magpasalamat tayo sa Diyos, sapagkat tayo'y binibigyan niya ng tagumpay sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo!

1 Mga Taga-Corinto 15:57 MBB05




English:

But thanks be to God! He gives us the victory through our Lord Jesus Christ.

1 Corinthians 15:57 NIV





***************

Ating ipagpasalamat ang kabutihan ng ating Panginoon sa bawat isa sa atin sapagkat sa labis Niyang pagmamahal sa bawat isa sa atin ay ninanais Niya na mapabilang tayo bilang mga anak Niya sa pamamagitan ng pagsugo Niya sa Kanyang bugtong na anak na si Hesus sa ikapagpapatawad ng lahat ng ating mga kasalanan.

Sa pamamagitan ng ating Panginoong Hesus ay binibigyan Niya tayo ng katagumpayan sa buhay upang malampasan ang iba't-ibang hamon ng buhay at mapalaya sa lahat ng ating mga kasalanan at mapabilang sa Kanyang kaharian . Kaya't magalak tayo sa ating Panginoon at purihin Siya sa lahat ng oras sa lahat ng kabutihan at pagmamahal Niya sa bawat isa sa atin. 

#GodBlessUs😇❤

#day360 ❤

#thankyouLord 🙏

#toGodbetheglory

#keepussafealways

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now