Day 209 & 210

18 3 0
                                    

Tagalog:

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Si Jesu-Cristo ay hindi magbabago kailanman; siya ay kahapon, ngayon, at bukas.

Mga Hebreo 13:8 MBB05




English:

Jesus Christ is the same yesterday and today and forever.

Hebrews 13:8 NIV




******

Ang Panginoong Hesus ay hindi nagbabago, Siya ay Diyos na buhay at makapangyarihan sa lahat, hindi nagmamaliw ang Kanyang pagmamahal sa atin na mga anak Niya. Siya ay dakilang Diyos magmula pa noon, ngayon at bukas na darating. Siya ay maasahan sa lahat ng oras, makakaasang hindi Niya tayo pababayaan.

Nababatid Niya ng lahat sa ating buhay. Hindi nagmamaliw ang Kanyang habag at awa sa atin. Siya ang pundasyon ng ating pagtitiwala. Kapag sa Kanya natin inilagak ang ating buhay hindi tayo mahihiwalay sa Kanya, ni maliligaw man, at ni mapapahamak man.

#GodBlessUs😇❤

#day209 ❤

#toGodbetheglory

#keepussafealways


========================================


Day 210

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Magtulungan kayo sa pagdadala ng pasanin ng bawat isa, sa gayong paraan ay matutupad ninyo ang utos ni Cristo. 

Mga Taga-Galacia 6:2 MBB05




English:

 Carry each other's burdens, and in this way you will fulfill the law of Christ.

Galatians 6:2 NIV



********

Ito ay isa sa magandang payo at aral sa bawat isa sa atin, na maging marunong nawa tayong magtulungan. Maliit man o malaki ang mga pasanin natin sa buhay, magkaroon nawa tayo ng puso sa pagtulong sa ating kapwa at lalo't higit sa mga kaatid natin sa pananampalataya.

Ang panalangin ang isa sa pinakamabisang pagtulong na ating maibibigay sa ating kapwa. Kaya't idalangin natin sa ating Panginoon ang mga kapatid at kapwa natin na mga may kinakaharap na mga pasanin sa buhay ng sagayon ay natutulungan natin silang gumaan sa kanilang mga pasanin. Dahil dito ay natutupad natin ang mga utos ng Diyos.

#GodBlessUs😇❤

#day210 ❤

#keepussafealways

#toGodbetheglory

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now