Day 173 & 174

40 1 0
                                    

Day 173

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Wala tayong dalang anuman sa sanlibutan, at wala rin tayong madadalang anuman pag-alis dito. 

1 Timoteo 6:7 MBB05



English:

For we brought nothing into the world, and we can take nothing out of it.

1 Timothy 6:7 NIV



*******

Isinilang tayo sa sinpupunan ng ating ina na walang anumang dala dito sa mundo, gayundin naman sa paglisan natin sa mundong ito. Ang lahat ng mga materyal na bagay, kayamanan o maging mga palamuti sa ating katawan ay walang halaga sa oras na lisanin na natin ang mundong ito.

Hindi ko sinasabi na hindi mahalaga ang mga ito sa ating pamumuhay sa mundong ito ngunit ang paalipin dito ang siyang masama at hindi kinalulugdan ng ating Panginoon. Sapagkat kung anuman ang mga mabubuting tinatamasa natin sa buhay ay kaloob at pagpapala ng Diyos sa bawat isa sa atin.

Higit lamang na pahalagahan at pagyamanin natin ang pag-iimpok ng kayamanang makalangit at doon may katiyakan tayong buhay na walang hanggan ay makakamtan.

#GodBlessUs😇❤

#day173 ❤

#toGodbetheglory

#keepUsSafe


================================


Day 174

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Sapagkat kung saan naroroon ang iyong kayamanan, naroroon din ang iyong puso." 

Mateo 6:21 MBB05




English:

For where your treasure is, there your heart will be also.

Matthew 6:21




******

Ano nga ba ng mga kayamanan na ating mga pinagkakaingatan, pinahahalagahan at pinanghahawakan? Kayamanang materyal, posisyon sa trabaho o sa buhay, katalinuhan, karunungan o kapangyarihan sa mundong ito, alin man sa mga ito ang ating pinahahalagahan ay dito nakatuon ang ating puso.

Kapag ang mga ito ang kayamanang ating pinahalagahan at pinanghahawakan ay magdudulot ng pagkalayo natin sa Diyos. Higit tayong mag-impok ng kayamanang makalangit sapagkat ang Panginoong Diyos ang Siyang magkakaloob ng mga mayayamang pagpapala sa bawat isa sa atin na higit pa sa ating mga inaasahan.

Nais lamang ng Diyos na sa Kanya natin ituon ang ating sarili at panghawakan ang Kanyang mayayamang pangako. Sapagkat ang kayamanang ipagkakaloob ng Diyos ay kayang maipamana sa sali't saling lahi natin. Higit na kayamanang kayang ibigay ng mundong ito. 

#GodBlessUs😇❤

#day174 ❤

#toGodbetheglory

#keepUsSafe

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now