Day 165 & 166

30 3 0
                                    

Day 165

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo'y makagawa ng mabuti sapagkat punung-puno ng kasamaan ang daigdig ngayon. Huwag kayong maging hangal. Unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.

Mga Taga-Efeso 5:16‭-‬17 MBB05




English:

16 making the most of every opportunity, because the days are evil.

  17 Therefore do not be foolish, but understand what the Lord's will is.

Ephesians 5:16-17 NIV



******

Hindi natin hawak o kontrolado ang mga nangyayari sa ating buhay. Sa mundong ito na puno na ng mga kasamaan at walang katiyakang kahahantungan, maging bukas nawa ang ating puso't-isipan na maunawaan ang mga paggawa ng kabutihan. Maging ito man ay para sa ating kapwa o maging sa ating mga sarili.

Bagama't hindi natin lubos na maunawaan ang mga nangyayari sa mundong ito, kabutihan pa rin nawa ang manatili sa ating puso. Gumawa pa rin tayo ng kabutihan at ito ang ipamalas sa mundo. Sapagkat ang buhay natin ay maiksi lamang at hindi tayo permanenteng mabubuhay sa mundong ito.

Kaya't bawat pagkakataon na ibinibigay sa atin ng Diyos ay maging kapakipakinabang sapagkat itong lahat na ginagawa natin ay ipagsusulit natin sa Kanya. Kaya't habang may pagkakataong ibinibigay sa atin ang Panginoon gawin natin ang naayon sa kalooban Niya, maghari ang kabutihan sa ating buhay at tayo ay magpasakop sa Kanyang kapangyarihan.

#GodBlessUs😇❤

#day165 ❤

#toGodbetheglory

#keepUsSafe


=================================


Day 166

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Turuan mo akong mamuhay ayon sa katotohanan, sapagkat ikaw ang Diyos ng aking kaligtasan; sa buong maghapo'y ikaw ang inaasahan.Mga Awit 25:5 MBB05




English:

Guide me in your truth and teach me,

for you are God my Savior,

and my hope is in you all day long.

Psalms 25:5 NIV



******

Sa Panginoong Diyos lamang tayo humingi ng tulong at gabay upang makapamuhay ayon sa katotohanan. Sapagkat ang Diyos lamang ang Siyang pinakamakapangyarihan sa lahat, Siya lamang makapagbibigay ng tiyak na kaligtasan at pag-asang inaasam.

Makakaasang may katiyakan sa pangako Niyang bukas. Mapanghahawakan at mapagkakatiwalaan, kaya't buong puso tayong lumapit sa Panginoon at sa Kanya tayo humingi ng patnubay at gabay sa buhay upang hindi tayo malayo, maligaw at mapahamak sa buhay. 

 #GodBlessUs😇❤

#day166 ❤

#toGodbetheglory

#keepUsSafe

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now