Day 341 & 342

27 1 0
                                    

Day 341

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Ako nga ang mabuting pastol. Kung paanong kilala ako ng Ama at siya'y kilala ko, gayundin naman, kilala ko ang aking mga tupa at ako nama'y kilala nila. At iniaalay ko ang aking buhay para sa aking mga tupa. 

Juan 10:14‭-‬15 MBB05




English:

14 "I am the good shepherd; I know my sheep and my sheep know me— 15 just as the Father knows me and I know the Father—and I lay down my life for the sheep.

John 10:14-15 NIV





************* 

Tanging ang Panginoong Hesus lamang ang mabuting pastol na iniaalay ang Kanyang buhay upang sa ikaliligtas ng Kanyang mga tupa. Kung ating kilala ang ating pastol, hahanapin natin Siya at tayo ay Kanyang masusumpungan sapagkat tayo ay Kanyang kilala sapagkat tayo ay kabilang sa Kanyang mga tupa.

Tayo ay Kanyang iniingatan at ginagabayan. Kung tayo man ay naliligaw o nawala tayo ay Kanyang hinahanap, inalay Niya ang Kanyang buhay upang maligtas tayong mga tupa sa ating mg kasalanan. Buong puso Niya pa rin tayong tinanggap sa kabila ng ating mga pagkukulang, pagkakasala at kasamaan na ating mga nagagawa sapagkat minamahal Niya tayong tunay at lubusan.

#GodBlessUs😇❤

#day341 ❤

#toGodbetheglory

#thankyouLord 🙏

#keepussafealways


=======================================


Day 342

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Natutukso ang tao kapag siya'y naaakit at nagpapatangay sa kanyang sariling nasa. Kapag ang nasa ay tumubo at nag-ugat sa kanyang puso, magbubunga ito ng pagkakasala. Kapag ang kasalanan ay lumala, ito'y hahantong sa kamatayan. 

Santiago 1:14‭-‬15 MBB05



English:

14 but each person is tempted when they are dragged away by their own evil desire and enticed. 15 Then, after desire has conceived, it gives birth to sin; and sin, when it is full-grown, gives birth to death.

James 1:14-15 NIV





**********

Ang mundong ito ay puno ng kaakit-akit na kung magpapatangay tayong mga tao ay madali tayong matatangay nito sapagkat likas sa katangian ng tao ang kahinaan sa tukso. Maraming uri o katangian ang tukso na kung hindi natin mapaglalabanan at iiwasan tayo ay mahuhulog sa bitag ng sarili nating mga pagnanasa.

Ang pagnanasang ito ay makapag-uudyok sa atin upang lubusan tayong matangay ng kasalanan sapagkat ang pagnanasa kung hindi natin mapaglalabanan ay tutubo at mag-uugat sa ating puso upang mahangad na makamit natin ito ngunit sa huli'y kasalanan ang kahahantungan.

At kapag ang kasalanan ay lumala ng lumala hahantong tayo sa kamatayan. Kaya't walang mabuting maidudulot ang sarili nating mga nasa sa buhay. Kaya't hanggat maari kapatid ay iwasan natin ang magpatangay sa mga nakakaakit na maaring magpahulog sa atin sa tukso. 

Hingin natin sa Panginoon ang gabay at pag-iingat upang malayo tayo sa tukso at mapaglabanan ang nakakaakit na ibinibigay ng mundo na makapaglalayo sa ating Panginoon. Upang sagayon ay maiwasan natin ang anumang uri ng mga mapang-akit na kaloob ng mundong ito na makapaghuhulog sa atin sa tukso at upang malayo tayo sa kasalanan at sa banta ng kapahamakan.

#GodBlessUs😇❤

#day342 ❤

#thankyouLord 🙏

#toGodbetheglory

#keepussafealways

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now