Day 279 & 280

34 2 0
                                    

Day 279

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Tumatawag sa Diyos ang walang pag-asa, sila'y iniligtas sa hirap at dusa. 

Mga Awit 34:6 MBB05 




English:

In my desperation I prayed, and the Lord listened;

he saved me from all my troubles.

Psalms 34:6 NLT






 *********

Ang Diyos kailanman ay hindi nagpapabaya sa mga taong walang ibang inaasahan kundi ang Panginoon lamang. Kanyang tinutugon ang kanilang mga hinaing at dalangin. Ang habag at awa ng Diyos ay makakamtan ng mga taong walang pag-asang nasisilayan kundi sa Kanya lamang. Hindi Niya pababayaan ang lahat ng sa Kanya'y buong pusong tumatawag at nanangan sa Kanyang kaluwalhatian.

Magtiwala at umaasa tayo sa Panginoon at hindi Niya tayo bibiguin. Ililigtas Niya tayo sa lahat ng ating mga paghihirap at sa dusang pinagdadaanan. Kanyang kakalingain at bibigyang pag-asa upang muling makabangon sa hirap at dusang ating sinapit. Sasamahan Niya tayo kaya't huwag tayong matakot o mangamba na harapin ang takot sa ating buhay sapagkat hindi Niya kailanman tayo pinababayaan. 

#GodBlessUs😇❤

#day279 ❤

#keepussafealways

#toGodbetheglory


=======================================


Day 280

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Ang Hilig ng laman at tuntunin ng isip:Alam nating ang Kautusan ay espirituwal, ngunit ako'y makalaman at alipin ng kasalanan. Hindi ko maunawaan ang aking sarili. Sapagkat hindi ko ginagawa ang gusto ko, sa halip ang kinasusuklaman ko ang siya kong ginagawa. Ngayon, kung ginagawa ko ang hindi ko gusto, nangangahulugang sumasang-ayon ako na mabuti nga ang Kautusan. Kung gayon, hindi na ako ang may kagagawan niyon, kundi ang kasalanang nananatili sa akin. Alam kong walang mabuting bagay na nananatili sa aking katawang makalaman. Kaya kong naisin ang mabuti, ngunit hindi ko nga lamang magawâ ang mabuting ninanais ko. Sapagkat hindi ko ginagawa ang mabuting gusto ko, ang masamang hindi ko gusto ang siya kong ginagawa. Kung ang ginagawa ko ay hindi ko nais, hindi na ako ang gumagawa nito kundi ang kasalanang nananatili sa akin. Ito ang natuklasan ko: kapag nais kong gumawa ng mabuti, ang masama ay malapít sa akin. Sa kaibuturan ng aking puso, ako'y nalulugod sa Kautusan ng Diyos. Ngunit may ibang kapangyarihan sa mga bahagi ng aking katawan na salungat sa tuntunin ng aking isip; ipinapaalipin ako ng kapangyarihang ito sa kasalanang nananatili sa aking katawan. Anong saklap ng aking kalagayan! Sino kaya ang magliligtas sa akin sa kalagayang ito na nagpapahamak sa akin? Wala nang iba pa kundi ang Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Cristo na ating Panginoon! Salamat sa kanya! Ito nga ang kalagayan ko: sa aking isip, pinaglilingkuran ko ang Kautusan ng Diyos, ngunit sa aking katawang makalaman, pinaglilingkuran ko ang tuntunin ng kasalanan. 

Mga Taga-Roma 7:14‭-‬25 MBB05




English:

14 We know that the law is spiritual; but I am unspiritual, sold as a slave to sin. 15 I do not understand what I do. For what I want to do I do not do, but what I hate I do. 16 And if I do what I do not want to do, I agree that the law is good. 17 As it is, it is no longer I myself who do it, but it is sin living in me. 18 For I know that good itself does not dwell in me, that is, in my sinful nature.[] For I have the desire to do what is good, but I cannot carry it out. 19 For I do not do the good I want to do, but the evil I do not want to do—this I keep on doing. 20 Now if I do what I do not want to do, it is no longer I who do it, but it is sin living in me that does it.

21 So I find this law at work: Although I want to do good, evil is right there with me. 22 For in my inner being I delight in God's law; 23 but I see another law at work in me, waging war against the law of my mind and making me a prisoner of the law of sin at work within me. 24 What a wretched man I am! Who will rescue me from this body that is subject to death? 25 Thanks be to God, who delivers me through Jesus Christ our Lord!

So then, I myself in my mind am a slave to God's law, but in my sinful nature[] a slave to the law of sin.

Romans 7:14-25 NIV




********

Tayong lahat ay mga alipin ng kasalanan, likas sa ating mga tao ang makagawa ng kasalanan. Sa bawat paggawa ng kasalanan kaakibat ang pag-usig ng ating konsensya upang malaman natin na tayo ay nagkakasala.

Hindi natin kayang paglabanan ang ating kasalanan, kahinaan at sa iba't-ibang aspeto ng tukso tulad ng bisyo, makamundong gawain at pamumuhay at marami pang-iba. Kahit alam natin na mali hindi pa rin natin maiwasan na magkasala lihim man ito o hayag.

Ngunit dahil sa pag-ibig ng Diyos, isigugo Niya ang Kanyang bugtong na anak na si Hesus upang ang bawat isa na tumanggap sa Kanya ay maligtas at hindi mapahamak. Tayong lahat ay kayang baguhin ng Panginoong Hesus sa pagiging makasalanan tungo sa bagong pagkatao kung atin Siyang tatanggapin at kikilalanin bilang isang Diyos at tagapaligtas. 


Ang sinumang nakay Cristo ay isa nang bagong nilalang. Wala na ang dati niyang pagkatao; binago na siya. 

-2 Corinto 5:17 ASND


#GodBlessUs😇❤

#day280 ❤

#toGodbetheglory

#keepussafealways

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now