Day 339 & 340

31 0 0
                                    

Day 339

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Subalit matakot kayo kay Yahweh. Manatili kayong tapat sa kanya, paglingkuran ninyo siya nang buong puso at lagi ninyong alalahanin ang mga kabutihang ginawa niya sa inyo. 

1 Samuel 12:24 MBB05



English:

But be sure to fear the Lord and serve him faithfully with all your heart; consider what great things he has done for you.

1 Samuel 12:24 NIV



************

Magkaroon tayo ng pagkatakot sa ating Panginoon upang huwag tayong makagawa ng pagkakasalang makapaglalayo sa Kanya. Tayo'y magtapat sa Kanya at buong pusong magtiwala sa Kanyang kabutihan. Ating alalahanin ang lahat ng mga mabubuting bagay na Kanyang ginawa para sa mga ikaliligtas at ikabubuti ng bawat isa sa atin. Huwag nawang masayang ang lahat ng mga ginawa ng Diyos sa ating buhay upang maligtas tayo. Ibigay at ipagkatiwala na natin ang ating buhay sa ating Panginoon at mamuhay ng may katapatang naglilingkod sa Kanya. Maraming paraan upang paglingkuran natin Siya, nawa'y mapaglikuran natin Siya ng buong puso at may katapatan.

#GodBlessUs😇❤

#day339 ❤

#thankyouLord

#toGodbetheglory

#keepussafealways

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now