Day 283 & 284

26 0 0
                                    

Day 283

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Ang lahat ng nasa sanlibutan, ang masasamang nasa ng laman, ang nasa ng mga mata, at ang pagmamalaki sa mundong ito ay hindi nagmumula sa Ama kundi sa sanlibutan. Mawawala ang sanlibutan at ang lahat ng kinahuhumalingan nito, ngunit ang mga sumusunod sa kalooban ng Diyos ay mabubuhay magpakailanman.

1 Juan 2:16‭-‬17 MBB05



English:

16 For everything in the world-the lust of the flesh, the lust of the eyes, and the pride of life come not from the Father but from the world. 

17 The world and its desires pass away, but whoever does the will of God lives forever.

1John 2: 16-17 NIV


**********

Ipinapaunawa sa atin ng ating Panginoong Diyos na anumang naririto sa sanlibutan ay panandalian lamang at walang kabuluhan. Sinumang nagpapasakop dito sa mga kaloob ng sanlibutan ay humahantong sa kapahamakan. Ibinibigay ng sanlibutan ang panandaliang kaligayahan, iba't-ibang uri ng tukso upang makagawa tayo ng mga kasalanan at mabitag tayo ng kasamaan.

Ganun pa man ang lahat ng nasa sanlibutan ay hindi kaloob ng Diyos sa atin. Walang kaloob ang Diyos kundi ang lahat ng ating mga ikabubuti at hindi ikapapahamk. Ating intindihin at unawain na ang sanlibutan ay mawawala at lahat ng mga kasamaan at kinagigiliwan natin sa mundong ito ay mawawala pagdating ng Panginoon.

Maglalahong parang bula ang mudong ito kung naisin ng ating Panginoon. Ngunit ang mga salita ng Panginoon kailanman ay hindi maglalaho. Mananatili ang salita at lahat ng mga nanatili at sumusunod sa salita ng Diyos ay hindi mapapahamak at makakamtan ang buhay na walang hanggan.

#GodBlessUs😇❤

#day283 ❤

#toGodbetheglory

#keepussafealways


=========================================


Day 284

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

'Pairalin ninyo ang katarungan at maging mahabagin kayo sa isa't isa. Huwag ninyong aapihin ang mga biyuda, ang mga ulila, ang mga dayuhan o ang mahihirap. Huwag kayong magbabalak ng masama laban sa inyong kapwa.' "Ngunit hindi nila ito pinakinggan; matigas ang kanilang ulo at sila'y nagbingi-bingihan. Ipinilit nila ang sariling kagustuhan at hindi dininig ang sinabi ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat sa pamamagitan ng mga propeta. Dahil dito, labis siyang nagalit sa kanila. 

Zacarias 7:9‭-‬12 MBB05



English:

9 "This is what the Lord Almighty said: 'Administer true justice; show mercy and compassion to one another. 10 Do not oppress the widow or the fatherless, the foreigner or the poor. Do not plot evil against each other.'

11 "But they refused to pay attention; stubbornly they turned their backs and covered their ears. 12 They made their hearts as hard as flint and would not listen to the law or to the words that the Lord Almighty had sent by his Spirit through the earlier prophets. So the Lord Almighty was very angry.




**********

Ang pagiging mabuti at makatarungan ang isa sa mga kinalulugdan ng ating Panginoon. Ito ay isang utos ng Diyos sa atin na marapat lamang na ating gawin at sundin. Ang mga turo at paalala Niya sa atin ay ating dapat na sundin at pairalin sapagkat ang Panginoon ay nagagalit din at mapagparusa sa mga sumusuway at di sumusunod sa Kanyang mga utos at salita.

Ating tulungan at damayan ang mga biyuda, ulila, dayuhan o mga mahihirap kaysa apihin, laitin ni gawan o pag-isipan ng paggawa ng masama sa ating kapwa. Ito ang isa sa mahigpit na utos sa atin magmula pa sa sinaunang panahon magpahanggang kasalukuyan. Pananagutan natin ang mga gawa natin sa ating kapwa, mabuti man ito o masama.

#GodBlessUs😇❤

#day284 ❤

#toGodbetheglory

#keepussafealways

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now