Day 357 & 358

30 0 0
                                    

Day 357

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

O langit, magpuri ka sa tuwa! Lupa, magalak ka, gayundin kayong mga bundok, sapagkat inaaliw ni Yahweh ang kanyang hinirang, sa gitna ng hirap ay kinahahabagan. 

Isaias 49:13 MBB05 




English:

Shout for joy, you heavens;
rejoice, you earth;
burst into song, you mountains!
For the Lord comforts his people
and will have compassion on his afflicted ones.

Isaiah 49:13 NIV




 **************

Sa kabila ng ating mga nararanasan na hirap sa mundong ito, magagalak sa tuwa ang lahat ng mga taong hinirang ng ating Panginoon. Magalak tayo sapagkat ang bawat isa na Kanyang pinili, bagama't dumaramas ng hirap at pasakit sa mundong ito ngunit sasaatin naman ang habag at awa ng Panginoon. Hindi Niya pababayaan ang lahat ng Kanyang mga pinili kaya't magalak tayo at magpuri sa Panginoon tayong lahat na hinirang at tumanggap sa Kanya.

#GodBlessUs😇❤

#day357 ❤

#thankyouLord 🙏

#toGodbetheglory

#keepussafealways


====================================


Day 358

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Ngunit nang sumapit ang takdang panahon, isinugo ng Diyos ang kanyang Anak. Isinilang siya ng isang babae at namuhay sa ilalim ng Kautusan upang palayain ang mga nasa ilalim ng Kautusan. Sa gayon, tayo'y maibibilang sa mga anak ng Diyos. 

Mga Taga-Galacia 4:4‭-‬5 MBB05 




English:

4 But when the set time had fully come, God sent his Son, born of a woman, born under the law, 5 to redeem those under the law, that we might receive adoption to sonship.

Galatians 4: 4-5 NIV




**************

Itinakda ng Diyos na isugo ang Kanyang bugtong na anak na si Hesus upang ang bawat isa sa atin ay mapabilang, bilang mga anak ng Diyos. Ang pagsugo sa ating Panginoon Hesus ay pagbibigay sa atin ng pagkakataon na mapalaya sa mga sumpa kautusan na maari nating sapitin dahilan ng ating mga kasalanan.

Tayong lahat ay mga alipin ng ating kasalanan at ito ang dahilan kung bakit Siya naparito upang tayong lahat ay tubusin sa ating mga pagkakasala at mabigyang kapatawaran ng Diyos. Sa pamamagitan ng pagtanggap at pagkilala sa ating Panginoong Hesus bilang isang Diyos at tagapagligtas tayong mga makasalanan ay mapatawad sa ating mga kasalanan at makilala bilang mga anak ng ating Panginoon.

Tinubos tayo ng Panginoong HesuKristo hindi lamang para palayain tayo sa ating sarili upang tubusin tayo at maampon sa pamilya ng Diyos. Sa pamamagitan ng pananampalataya kay Kristo Hesus, hindi lamang natin tinatakasan ang pangangailangang sumunod sa mga gawa ng kautusan nang walang katapusan na walang pag-asang makatakas sa ating kasalanan. Nakatagpo din tayo ng tahanan at pamilya bilang mga anak ng Diyos Ama gayundin ay nakatagpo tayo ng kapatawaran mula sa kasalanan at pag-aari ng Diyos.

#GodBlessUs😇❤

#day358 ❤

#thankyouLord 🙏

#toGodbetheglory

#keepussafealways

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now