Day 57 & 58

64 5 1
                                    

Day 57

Tagalog:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tagalog:

Manalig ka, O puso ko, kay Yahweh ka magtiwala, pagkat siya ay mabuti't hindi siya nagpapabaya. 

Mga Awit 116:7 MBB05 



English:

Return to your rest, my soul,

for the Lord has been good to you.

Psalm 116:7 NIV


 *****

Ating panaligan ang ating Panginoon ng buong puso't pag-iisip, sapagkat tayo ay may katiyakang hindi Niya tayo pababayaan. Magtiwala tayo sa Kanyang kabutihan at ating makakamtan ang Kanyang pag-iingat at paggabay sa lahat ng oras. 

 #GodBlessUs😇❤ #day57 ❤#ToGodBeTheGlory #keepUsSafe


=============================


Day 58

Tagalog:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tagalog:

Ako'y sasaiyo, huwag kang matakot, ako ang iyong Diyos, hindi ka dapat mangamba. Palalakasin kita at tutulungan, iingatan at ililigtas. 

Isaias 41:10 MBB05



English:

So do not fear, for I am with you;

do not be dismayed, for I am your God.I will strengthen you and help you;I will uphold you with my righteous right hand.

Isaiah 41:10 NIV




******

Hindi lamang mga biyaya ang kayang ipagkaloob sa atin ng Diyos kundi maging ang kaligtasan, pag-iingat at kapayapaan. Binibigyan din tayo Niya ng kalakasan ng ating kalooban upang ang mga pangambang nakaambang ay hindi natin maging alintana. 

Anuman ang dumating sa ating buhay tayo'y makakaasang Kanyang iingatan at gagabayan. Inaalis Niya ang takot sa ating puso't-isipan at pinapalitan Niya ng kapayapaan at katatagan ng ating kalooban kung buong puso tayong magtitiwala sa ating Panginoon. 

Anuman ang ibato sa atin ng mundo ay atin itong mapagtatagumpayan, sapagkat Siya ang matibay nating sanggalang at tanggulan upang tayo ay hindi mapahamak. 

#GodBlessUs😇❤ #day58 ❤#ToGodBeTheGlory #keepUsSafe

365 Days || Bible Verses (2021)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon