Day 197 & 198

22 3 1
                                    

Day 197

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Ako naman, samantala ay patuloy na aasa, patuloy na magpupuri, pupurihin ka tuwina. 

Mga Awit 71:14 MBB05 




English:

As for me, I will always have hope;

I will praise you more and more.

Psalm 71:14 NIV




 ******* 

 Umasa tayo sa ating Panginoon sapagkat hindi Niya tayo bibiguin kailanman. Anuman ang mga pinagdadaanan natin sa buhay, makakaasa tayong kasakasama natin Siya sa tuwi-twina. Magpatuloy tayo at wag manghihina sa pananamplataya natin sa ating Panginoong Diyos na makapangyarihan sa lahat.

Papurihan natin Siya sa tuwi-twina, maging sa panahon man ng kalungkutan, kadalamahatian at mga pagsubok ay papurihan at pasalamatan pa rin natin Siyang lubos. Sapagkat napakabuti ng ating Panginoon, hindi Niya tayo pababayaan.

#GodBlessUs😇❤

#day197 ❤

#toGodbetheglory

 #keepussafealways


==================================


Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Mga pagdurusa mo ay malilimutan, para lamang itong bahang nagdaan. Magliliwanag ang iyong buhay, higit pa sa sikat ng araw, ang buhay mong nagdilim ay magbubukang-liwayway. Papanatag ang buhay mo at mapupuno ng pag-asa; iingatan ka ng Diyos, at bibigyan ng pahinga. 

Job 11:16‭-‬18 MBB05



English:

16 You will surely forget your trouble,

recalling it only as waters gone by.

17 Life will be brighter than noonday,

and darkness will become like morning.

18 You will be secure, because there is hope;

you will look about you and take your rest in safety.

Job 11:16-18 NIV





********

Ang lahat ng ating mga pinagdadaanan sa buhay ay may hangganan at katapusan. Dumadaan man tayo sa unos ng buhay ngunit ito ay panandalian lamang at may hangganan. Sa kabila ng mga unos ay sasapit ang sikat ng araw, dala nito ay liwanag at pag-asa sa ating buhay. Upang tayo ay magpatuloy at manangan lamang sa ating Panginoong Diyos na makapangyarihan sa lahat.

Huwag tayong magsawa na magtiwala sa Panginoon ni ang pagdudahan man ang Kanyang kakayahan. Ni ang sisihin Siya sa mga unos na dumaraan sa atin bagkus ay magpasalamat pa rin tayo at magtiwala sa Kanyang kalooban. Sapagkat ang unos ay pagpapatibay ng pananampalataya at pagtitiwala natin sa Kanya.

Tulad ni Job na naging matatag at tapat na lingkod ng Panginoon. Dumaan man siya sa iba't-ibang pagsubok, hindi siya nawalan ng pag-asa at pananampalataya sa ating Panginoon. Siya ay nanatiling tapat at nagpatirapa sa harap ng ating Panginoon. Kaya't Siya ay lubos na kinalugdan ng Diyos, pinagpala at iningatan Niya ang buhay ni Job.

Gayundin naman tayo, kung tayo ay patuloy na magtatapat at mananatili sa ating Panginoong Diyos hanggang wakas. Tayo ay hindi Niya bibiguin, bibigyan Niya tayo ang pag-asa, pagpapala at pag-iingat ang lahat ng ito ay ating makakamtan mula sa Kanya.

#GodBlessUs😇❤

#day198 ❤

#toGodbetheglory

#keepussafealways

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now