Day 225 & 226

23 2 0
                                    

Day 225

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Kahabagan mo kami, O Yahweh, kami'y naghihintay sa iyo; ingatan mo kami araw-araw at iligtas sa panahon ng kaguluhan. 

Isaias 33:2 MBB05 



English:

Lord, be gracious to us;

we long for you.

Be our strength every morning,

our salvation in time of distress.

Isaiah 33:2 NIV



********

Ito ang kadalasang dasal nating mga tao lalo na ngayong panahon na kumakaharap tayo sa pandemya. Dasal natin, hindi lang para sa ating sarili kundi maging sa mga mahal natin sa buhay at para sa mundong ito. Sa panahong ito na puno ng pangamba at kaguluhan hindi na natin alam kung alin nga ba ang totoo at tama?

Ngunit kung sa ating Panginoon tayo magtitiwala ng lubusan at walang agam-agam ang lahat ng mga dasal nating ito ay Kanyang diringgin. Sapagkat nagtitiwala tayong bibigyan Niya ng kasagutan ang lahat ng ating mga ipinadarasal, gayundin naman ay masugid din tayong maghihintay ng tugon Niya sa atin. Sapagkat ang tugon ng Diyos ay tunay ngang makapangyarihan at hindi kayang ipaliwanag at unawain nating mga tao.

Ang lahat ng Kanyang mga pangako ay tunay ngang mapanghahawakang lubos. Tayo'y Kanyang iingatan at ililigtas mula sa lahat ng mga kapahamakan na nagbabadya sa atin. Mahal Niya tayong lahat ngunit ang lubos ding nagtitiwala at nagmamahal sa Kanya ang tunay na makakaranas o makakadama ng pagmamahal Niya. Kaya't papasukin natin ang Diyos sa ating buhay at isuko natin ang ating mga sarili sa Kanya. Siya lamang ang pagkatiwalaang lubos upang ang pag-ibig at kalinga Niya ay maging patotoo sa ating buhay. 

#GodBlessUs😇❤

#day225 ❤

#toGodbetheglory

#keepussafealways


====================================


Day 226

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Aliwin nawa kayo ng ating Panginoong Jesu-Cristo at ng ating Diyos Ama na umibig sa atin, at dahil sa kanyang kagandahang-loob ay nagbigay sa atin ng hindi nagbabagong lakas ng loob at matibay na pag-asa. Bigyan nawa kayo ng matatag na kalooban upang maipahayag ninyo at maisagawa ang lahat ng mabuti. 

2 Mga Taga-Tesalonica 2:16‭-‬17 MBB05



English:

16 May our Lord Jesus Christ himself and God our Father, who loved us and by his grace gave us eternal encouragement and good hope, 

17 encourage your hearts and strengthen you in every good deed and word.

2 Thessalonians 2:16-17 NIV




********

Maging hiling at dalangin natin nawa ito sa ating Panginoon. Maging mabuting tagapagbigay ng kalakasan ng loob para sa mga taong nangangailangan nito. Magbigay ng mga salita, payo o aral na makapagbibigay ng magandang layunin sa kapwa upang maihayag ang magandang kaloob ng Diyos sa bawat isa sa atin. Maghari nawa sa ating buhay ang paggawa ng kabutihan sa lahat ng oras. Upang mabigyan tayo ng lakas ng kalooban na nagmumula sa ating Panginoong Diyos. 

#GodBlessUs😇❤

#day226 ❤

#keepussafealways 

#toGodbetheglory

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now