Day 307 & 308

24 0 0
                                    

Day 307

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

At anumang hilingin ninyo sa aking pangalan ay gagawin ko upang maparangalan ang Ama sa pamamagitan ng Anak. Kung hihiling kayo ng anuman sa aking pangalan, ito ay aking gagawin." 

Juan 14:13‭-‬14 MBB05



English:

13 And I will do whatever you ask in my name, so that the Father may be glorified in the Son. 14 You may ask me for anything in my name, and I will do it.

John 14: 13-14 NIV



**************

Magtiwala at tanggapin natin ang ating Panginoong Hesus na Siyang Panginoon at tagapagligtas sa gayon ay may katiyakan tyo na anuman ang ating hilingin sa Kanya ay Kanyang ipagkakaloob, ayon sa Kanyang kalooban. Maniwala at manangan lamang tayo sa Kanyang salita at hindi Niya tayo bibiguin. Mapanghahawakan natin ang lahat ng Kanyang mga salita at pangako. 

Ipagkakaloob ng ating Panginoong Hesus sa atin ang ating mga hiling at dalangin lalo't higit kung nakikita at nalalaman Niya na ito'y makabubuti para sa atin. Kaya't huwag tayong mawalan ng pag-asa na makamit ng lahat ng ating mga kahilingan at ating hanapin ang pag-asa mula sa ating Panginoong Hesus at nakakatiyak tayong makakamtan natin ito ng buong-buo. 

#GodBlessUs😇❤

#day307 ❤

#toGodbetheglory

#keepussafealways


==========================================


Day 308

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Ngunit kung ang sinuman sa inyo ay kulang sa karunungan, humingi siya sa Diyos at siya'y bibigyan, sapagkat ang Diyos ay nagbibigay ng sagana at di nanunumbat.Santiago 1:5 MBB05 



English:

If any of you lacks wisdom, you should ask God, who gives generously to all without finding fault, and it will be given to you.

James 1:5 NIV


 *************

Ang bawat isa na kulang sa karunungan ay huwag mag-atubiling lumapit sa ating Panginoong Hesus. Marami sa atin ang kulang sa karunungan maaring kulang sa karunungan sa eskwela, karunungan sa pagpapasyang gagawin sa buhay at lalo't higit sa karunungang espiritwal.

Kung tayo man ngayon na mga estudyante na sobrang nahihirapan sa ating pag-aaral at nawawalan na tayo ng pag-asa na magampanan ang ating tungkulin bilang estudyante. Maging kung tayo man ay nahihirapan sa pagpapasyang ating gagawin para sa ating buhay, gayundin ang kakulangan sa pagkaunawa at pagkakaintindi sa pananampalatayang espiritwal. 

Lumapit tayo sa ating Panginoon at idulog natin sa ating Panginoon ang lahat kakulangan sa karunungan upang magkagayon ay biyayaan tayo ng karunungan upang magampanan natin ng buong husay ang mga ninanais nating magkaroon ng kaalaman.

Hindi madamot ang Panginoon sa lahat ng mga humihingi sa Kanya na buong pusong naniniwala at nananangan sa Kanya. Hindi rin Siya nanunumbat sa lahat ng Kanyang mga ipinagkakaloob kahit pa nga hindi tayo karapatdapat sa kaloob Niya.

Kaya't maniwala tayo at magtiwala ng buong puso sa ating Panginoon at wag manangan sa ating sariling kaunawaan. Samahan din natin ng sipag at pagpupursige na makamtan ang karunungang inaasam.

#GodBlessUs😇❤

#day308 ❤

#toGodbetheglory

#keepussafealways

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now